When asked what is sweetest thing that Matteo Guidicelli has done for her, Maja Salvador says, "Pinuno niya ng post-its yung kuwarto ko. Nilagay niya lahat kung bakit niya ako mahal."

 

Photo: Noel Orsal

Sa pangalawang handog ng Star Cinema ngayong 2012 na co-produced ng Skylight Films, ang My Cactus Heart, ilo-launch ang tambalan ng real-life couple na sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli.

Kaya naman hindi maiwasang makaramdam ng pressure si Maja lalo na't may mga nagsasabing kailangan pa niyang patunayan ang lakas niya sa takilya sa pamamagitan ng isang blockbuster movie na siya ang bida.

"Siyempre lagi namang may pressure dahil may expectations ang mga tao sa iyo.

"Kaya nga dapat hindi lang isa lang ang ginagawa mo, di ba?

"Kailangan marami kang ginagawang projects para ma-maintain mo yung pagmamahal sa iyo ng audience, ng mga taong sumusuporta sa iyo.

"Ako, ang sabi ko nga, tingin ko ang misyon ko talaga sa buhay ay mag-entertain at magpasaya talaga ng mga tao.

"So, naniniwala ako na darating din yung tamang pelikula na hindi lang mapapansin ang acting ko kundi tatangkilikin pa ng mga tao.

"Wish ko lang sana tangkilikin ng mga tao itong My Cactus Heart," sabi ni Maja.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa presscon ng pelikula na ginanap kahapon, Enero 14, sa Dolce Latte restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City.

Kasama rin sa cast sina Xian Lim, Rosanna Roces, Ricky Davao, Ramon Christopher, Bettina Carlos, Bea Saw at Lemuel Pelayo. May special appearance sina JM de Guzman at Karylle.

Directed by Enrico Santos, ang My Cactus Heart ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa Enero 25.

KISSING SCENES. Bagama't nagkatrabaho na sina Maja at Matteo sa ilang TV shows sa ABS-CBN, ito ang first movie nila na sila ang mga bida.

Boyfriend niya sa totoong buhay si Matteo. Mahirap o madali ba ang trabaho kapag totoong karelasyon sa tunay na buhay ang kaeksena niya?

"Mahirap. Akala ko nung una madali kasi nandiyan na yung kilig.

"Kasi habang ginagawa namin yung pelikula para sa akin yung characters namin hindi si Maja, hindi si Matteo, e.