Star Power grand winner Angeline Quinto reacts to criticisms about her pronouncement that she's "courting" Indie Prince Coco Martin:

"Sa akin naman, 'pinapakita ko lang talaga ang totoong nararamdaman ko dun sa tao," she says. "Alangan naman na magpakaplastik ako, gusto ko lang na malaman ng mga tao yung totoong nararamdaman ko. Kumbaga, bakit naman ako magtatago e, talaga namang may paghanga ako sa kanya?"

 

Photo: Allan Sancon

Kilalang prangka at bukas sa kaniyang nararamdaman, naging mapakla sa panlasa ng iba ang nabitawang mga salita ni Angeline Quinto sa nakaraang panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Sinabi ni Angeline na siya raw ang nanliligaw kay Coco Martion at di pa siya sinasagot nito.

Magkapareha si Angeline at Coco sa pelikulang You Light Up My Life ng Star Cinema, kung saan sa simula pa man ay aminado na ang  Star Power grand winner na hinahangaan niya ang kilalang indie actor.

Nainterview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nuong nakaraang Miyerkoles si Angeline sa isang MTV shoot ng kanyang bagong kanta na kasama sa Christmas album ng Star Records.

Agad tinanong ng PEP ang singer kung ano ang reaksyon niya sa maraming pagbibirong natatanggap niya.

"Sa akin naman, 'pinapakita ko lang talaga ang totoong nararamdaman ko dun sa tao," ang sabi ni Angeline.

"Alangan naman na magpakaplastik ako, gusto ko lang na malaman ng mga tao yung totoong nararamdaman ko.

"Kumbaga, bakit naman ako magtatago, e, talaga namang may paghanga ako sa kanya?

"Nanliligaw? Hindi naman, pero di ba sinasabi [nila], iba na ang panahon ngayon, babae na ang nanliligaw sa lalake?

"May mga kaibigan akong ganun, napagaya na yata ako," sabay tawa niyang sinabi.

"Dun sa ibang tao na naging pangit yung tingin sa pagkakasabi ko na ako ang nanliligaw, sana ay intindihin na lang nila. 

"Di naman nanliligaw, pero inaamin ko na may paghanga talaga ako kay Coco Martin."

SWEET. Hindi naman itinago ni Angeline sa PEP na habang nakikilala niya ang aktor ay mas marami siyang nakikitang magandang katangiang magugustuhan ng kahit na sinong babae sa isang lalake.

"Yung pagkakaibigan namin ni Coco ay okay naman. 

"Nung una medyo nagkakahiyaan pa kami pero habang tumatagal, lalo ko siyang nakikilala at ganun din naman siya sa akin.