celeb

Leandro Muñoz reveals Valentine's surprise from rumored girlfriend Iwa Moto

by Rose Garcia posted on May 4, 2012  STATS: 15717 Views | 5 Comments

 

"Pag-uwi ko, puro candles and mga balloons. Siya talaga ang gumawa. Valentine's Day kasi may taping kami. Kaya ang ginawa niya, sinalubong niya," says Leandro Muñoz when asked about Iwa Moto's Valentine's surprise for him.

Photo By: Noel Orsal

Si Leandro Muñoz ang leading man ni Arci Muñoz sa bagong serye ng  TV5 na Felina: Reyna Ng Mga Pusa na magsisimula nang umere sa Lunes, February 27.

Tinapos na halos lahat ni Leandro ang mga eksena niya sa nabanggit na serye dahil noong Martes, February 21, ay bumalik na siyang muli ng Amerika.

Pero bago siya umalis ay nakausap muna ng PEP si Leandro.

HIS DAUGHTER. Huling punta raw ni Leandro sa U.S. ay noong panahon ng Kapaskuhan para makasama niya ang kanyang anak.

Ang ginagawa raw ng aktor, kapag tapos na siya sa isang tine-tape na serye, bumabalik siya ng Amerika.

Pupunta na lang siya ulit ng Pilipinas kapag may bago na naman siyang show na sisimulan.

Ngayon daw, kailangan talaga niyang puntahan ang anak.

"Kailangan kong bumalik for the oathtaking," pagbanggit niya sa kanyang panunumpa bilang isang American citizen.

"Ga-graduate na siya ng high school," patungkol naman niya sa kanyang dalagang anak. 

"Kailangan kong pumunta back and forth. Single parent ako.

"Mag-isa lang siya na nandoon kaya kailangan  ko siyang puntahan."

Two years ago raw ay nakapagbakasyon din ang anak niya sa Pilipinas.

Dito kasi sa Pilipinas nakabase ang ina ng dalaga niyang anak.

Ayon kay Leandro, inaayos na rin daw ang papeles ng ina ng kanyang anak para makapunta sa Amerika.

"Di ba, every daughter needs a mom? Kaya yun."

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

5 Comments

  • superbeki

    02/24/2012 | 04:35 AM
    of all the girls on earth si Iwa pa! my gowddd
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • canada_143

    02/23/2012 | 11:55 PM
    cute naman story nilang mag ama,,pwedeng teleserye...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kewl

    02/23/2012 | 11:37 PM
    magaling siya umarte...sikat siya nung kasikatan din ni claudine...siguro mga 33-35 yrs old na siya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bhengot

    02/23/2012 | 09:06 PM
    pano kaya naging artista to walang kadating dating eeeewwweee
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • semsem

    02/23/2012 | 07:15 PM
    May graduating high school na anak?ilang taon na ba sya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About