celeb

John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: "Parang renewed ang lahat ngayon."

by Melba Llanera posted on April 12, 2012  STATS: 1073 Views | 13 Comments

John Lloyd Cruz is very supportive of his girlfriend Shaina Magdayao when it comes to her career. The actor says Shaina doesn't need to ask permission from him to do love scenes with other leading men.

Photo By: Noel Orsal

Pagkatapos magkahiwalay at magkabalikan nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, sinabi ng young actress na mas tumaas ang kanilang respeto sa isa’t isa at mas nalaman nila ang kahalagahan ng bawat isa. 

   

Sinang-ayunan naman ni John Lloyd ang pahayag ni Shaina na mas maganda ang itinatakbo ng kanilang pagsasama ngayon.

   

“Totoo. Oo, that’s true. Totoo ang mga sinabi niya. 

"Iba kasi, e. Parang renewed ang lahat ngayon," sabi ni John Lloyd.

Sa isang interview, sinabi ni Shaina na isa sa nagugustuhan niya kay John Lloyd ay ang pagiging supportive nito sa kanyang career.

Ano naman ang masasabi ni John Lloyd dito?

Aniya, “Sa pagsuporta sa trabaho siyempre, kumbaga, natural lang yun.

“Yun talaga yun, wala tayong papel sa buhay kundi suportahan, itulak siya sa mga magaganda.  

“Sana nai-inspire siya.

"Natutuwa naman ako, heto ipapalabas na ang kanilang pinaghihirapan.

“Natutuwa ako kasi finally makikita na ng mga tao ang pagod at hirap [nila para mapaganda ang kanilang teleserye]."

Ang tinutukoy ng aktor ay ang afternoon soap ni Shaina na Kung Ako'y Iiwan Mo.

Nagpaalam ba sa kanya si Shaina bago nito gawin ang love scenes nila ng kaparehang si Jake Cuenca sa serye?

     

“Hindi na kinakailangang ipaalam yun, trabaho yun,” sagot ng aktor.

    

REUNION PROJECT WITH BEA ALONZO. Samantala, kumpirmado na ang pagbabalik-tambalan nina John Lloyd at Bea Alonzo sa isang teleserye ng ABS CBN.

Kumusta ang pakikipagtrabaho nila?

   

“Okay naman. Nagpi-prepare na rin yung buong production and, of course, kami.

“In May, aalis kami. Pupunta kami sa Vienna, Austria kasi yung pilot week namin, dun kukunan yung ilang scenes.

  

“Ang tagal ko ring hinintay [project with Bea] kasi ang daming naghihintay.

"Kaya I’m really excited na, finally, heto, may gagawin kami ni Bea.

“At yung mga sumusuporta sa amin, may mapapanood na sila gabi-gabi na magkasama uli kami ni Bea.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  slickchick02

    04/15/2012 | 12:25 PM
    maganda na sana ung article kaso pina headline pa ung shota nyang ayaw sumikat sikat lol, i wonder why that is... less kaartehan kasi dapat para dumami naman sumuporta. she gives jlc a bad name haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  ratedsardines

    04/15/2012 | 07:16 AM
    Funny talaga yung sobrang kahinaan ng utak ni kapuso number 8. Nalaos daw si JLC dahil kay Shaina. Meron palang laos na sunod sunod ang mga projects. at PINAG AAGAWAN ng mga leading ladies makatrabaho lang. Haay, ganito pala ang meaning ng laos. E papanu na pala yung lagi na lang may teleserye at nakikita mo nga lagi sa TV , pero zero naman ang commercial endorsements, SuperFLOP ang mga movies at zero acting nominations. Iyun sa kanya ang meaning ng SIKAT. Hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  BlueBonnet

    04/14/2012 | 11:57 PM
    Ok lang kung nilalangaw ang article ni JLC ang importante hindi nilalangaw ang movie nya. Di katulad sa idol nyo sang katutak ang mga comments pero pag dating sa movie nilalangaw ng subra subra. ha ha ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  bratinella1234

    04/14/2012 | 10:16 AM
    Another DEACTIVATED comment. It just shows how embarassing and unreliable kapuso comments are. MORE POWER JLC, walang makakatapat!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • llanes

    04/14/2012 | 08:16 AM
    I LOVE SHAINA AND JOHN LLOYD OBVIOUS NA SOBRANG INLOVE SI LLOYDIE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kidest

    04/14/2012 | 06:14 AM
    kawawa naman itong si jlc... na-laos dahil kay shaina. i hope his teleserye with bea alonzo will do good sa ratings para naman mai-salba yung kanyang career.. minalas mula ng mapadikit ang pangalan kay shaina.. sayang talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lazybutt_2010

    04/14/2012 | 06:09 AM
    i like them both..love...love...love
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • southerngirl1

    04/13/2012 | 10:10 PM
    JLC and Bea Alonzo, my favorites are back!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • alexangel

    04/13/2012 | 02:20 PM
    ay nilangaw ang article! nobody cares? LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MissHugoBacungan

    04/13/2012 | 09:31 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2psinapod

    04/13/2012 | 03:50 AM
    Purnada na si Ruffa. Text ka uli Ruffa. Baka this time, matuluyan na ang hiwalayan ng dalawang bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pretty

    04/12/2012 | 07:55 PM
    Rare find
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bratinella1234

    04/12/2012 | 05:01 PM
    The ultimate leading man. Undeniably, the number 1 actor of his generation. Box office King. Tabing Ilog days pa lang, makikita mo na ang potential nya to make it this BIG in the business. Patuloy na pinaghasa ng ABS-CBN ang kanyang TALENT, samahan pa ng mga de kalidad na proyekto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About