May bagong proyekto ang Pinoy Big Brother! host na si Toni Gonzaga, ito ay ang pagganap sa apat na natatanging episodes ng month-long special ng Wansapanataym na magsisimula sa Marso 10.
Sa ginanap na press conference para sa weekly fantasy series na ito noong Marso 2 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, inamin ng actress-host na magandang oportunidad ito para sa kanya upang patunayan na karapat-dapat siya sa natanggap niyang Anak TV Seal award noong nakaraang taon.
Aniya, "Tuwang-tuwa ako no'ng nalaman ko na magwa-Wansa ako.
"Sabi ko, 'Wow, this is to justify my Anak TV award, para sa kabataan talaga siya.
"Kasi, hindi ba, bilang artista, malaking parte at malaking responsibility sa amin 'yong maging part kami ng pag-i-instill ng values and principles sa mga kabataan na nanonood sa amin?
"In our own way, we can teach them how to live the right way; so dito sa Wansapanataym, kapupulutan talaga ng aral."
MAGIC SPELL. Sa unang episode ng naturang programa ay gagampanan ni Toni ang papel ng isang witch.
Tanong ng reporter na si MJ Felipe, kung mayroon daw bibigyan si Toni ng "magic spell" sa mga Kapamilya stars upang magkaroon ng magandang lovelife, sinu-sino ito at bakit?
"Siyempre, una si Ate Kris [Aquino] para talagang okay.
"Kasi, di ba, si Ate Kris, parang she really wants to find that one true love niya?" sagot ni Toni.
Kung magiging kupido siya para kay Kris, may nais ba siyang ipareha dito?
"Sino ba? Ewan ko, kasi hindi naman natin alam kung anong type ni Ate Kris, e.
"Siyempre kung bibigyan ko siya ng magic spell, sana mahanap niya talaga 'yong true love na hinahanap niya, kasi, di ba, sabi niya nabigo siya?"
Ikalawang binanggit ni Toni ang dati niyang nakatambal sa isang softdrink commercial na si Piolo Pascual.
Ani Toni, "Sana mahanap na din niya 'yong babaeng para sa kanya kasi, of course, we're all wishing and hoping na mahanap na rin niya 'yong talagang magpapasaya sa kanya."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
25 crushable
24 astute
23 starla10
22 MissHugoBacungan
21 sarahgforever
20 Santosd27
19 Santosd27
18 gorgeous_aleck
17 kewl
16 singpinay
15 kapamilya_na_pilya
14 lightnbubbly
13 lightnbubbly
12 bruceleeako
11 bruceleeako
10 bruceleeako
9 uwillneverbeme
8 batangkumon
7 dreamer
6 ka_epal
more comments