celeb

Part 1. Mariel Rodriguez on life after being married to Robin Padilla: "Mas bumait nga ako, mas less na yung pagiging maldita ko."

by Rey Pumaloy posted on March 18, 2012  STATS: 2608 Views | 13 Comments

 

Mariel Rodriguez on changes after marrying Robin Padilla: "Ano naman ako, e, hindi naman ako... kung ano ako before, hindi naman nagtsi-change yung core. Ako pa rin ito. It's just that na naging better ako, in a way, na mas compassionate ako sa mga tao. Kasi si Robin, he's that way, e. Kasi tayo minsan, 'pag pagod tayo or nagmamadali tayo... sabi ko nga, di ba, sobrang magandang example si Robin sa akin."

Photo By: Alquin Flores

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-guest co-host si Mariel Rodriguez sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi kahapon, March 17, para interbyuhin si BB Gandanghari.

Special request ni BB si Mariel para siyang mag-interview sa kanya dahil asawa ito ng kapatid niyang si Robin Padilla.

Bago sumalang si Mariel sa interview kay BB ay nakausap muna siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Broadway Centrum studio ng TV5.

WORKLOAD. Sa kasalukuyan ang variety-game show na Wil Time Bigtime ang regular show ni Mariel sa Kapatid network. Hindi niya ba gustong magdagdag ng trabaho? 

Sagot niya: "Okey lang naman basta hindi masasagasaan yung Wil Time

"Kasi hindi ako puwedeng mag-absent dun kasi live yung show namin, hindi naman maganda kung mag-a-absent ako.

"I can do it in the morning and hindi siya tatapat on a Sunday, kasi I don't work on a Sunday."

Pero pumayag na siya sa posibilidad ng isa pang hosting job, gaya ng Paparazzi, dahil Sabado naman itong ipinapalabas.

Sabi pa ni Mariel, "Alam naman nila 'yan na my schedule is very okay, from Monday to Saturday."

Hindi niya ba nami-miss yung buhay niya dati sa showbiz na?

"Segue-segue?" balik-tanong niya.

"Minsan naaalala ko, 'pag Saturday nun, tatlo ang ginagawa ko 'pag live [sa ABS-CBN].

"Nagwa-Wowowee ako. Tumatakbo ako, nagla-live ako, at sa gabi nagpi-PBB [Pinoy Big Brother] ako. 

"Kapag naiisip ko yung life ko before, wow, grabe! Nakaka-miss rin naman kasi masaya rin, yung adrenaline, ganyan.

"Pero I cannot say na hindi ako nag-e-enjoy sa ngayon. 

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

13 Comments

  • 13  jasmyn

    03/20/2012 | 05:56 AM
    May alam ba talaga si Robin sa Islam? Or he is just using the religion as an scapegoat para makapag asawa ng marami ng walang sabit sa law at bawas gastos sa annulment everytime he wants to get married? Mariel, kung ang kasal nyo ni Robin is in catholic way, hindi valid yan sa Islam...Kung muslim way naman kayo, hindi pa rin valid yan kung hindi ka nakarecord sa shariah court..nakarecord ka ba?.. And for your info, hindi po ginagamit ng babae ang apelyido ng lalake sa muslim world.....You will just be given the title of "wife of...." at hindi Mrs...... Hay naku! Research ng konti ,Mariel.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  prettyme4sure

    03/19/2012 | 04:59 PM
    plastik to the highest level, and sorry hindi uubra ang kamalditahan mo sa mga anak ni robin, lagot ka kay lizel kaya no choice k kung hindi medyo bumait, in other words, be more plastik
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  rejin

    03/19/2012 | 04:16 PM
    sayang c mariel lumipat kc sa laos na tv5 kaya nalaos narin 2loy cya, sayang ka talaga girl !
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  batangkumon

    03/19/2012 | 03:07 PM
    Ang babaing starlet at forever starlet!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • slickchick02

    03/19/2012 | 07:26 AM
    pinaka plastic tong host na to, kung gano sya kaganda, ganon ka fonget attitude nya. paiyak iyak pa sya dati sa mga interview psh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    03/19/2012 | 04:08 AM
    Itong babaeng ito ay isa sa mga walang utang na loob sa pinaggalingan niya. Nagsimula sa GMA pero noong lumipat ng DOS, pinipintasan na ang GMA. Dami din palang kamalditahang ginawa ito sa DOS ngayon naman sa TV5 nagsasabog ng lagim. Your marriage to Robin ay walang kasiguraduhan dahil alam naman ng lahat kung anong klaseng tao iyang si Robin...sa bandang huli...sa kangkungan ka pupulutin!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2psinapod

    03/19/2012 | 01:40 AM
    Sa wakas, inamin rin niyang maldita siya pero hind niya maalala kung bakit. Let me refresh your memory Mariel. . .Kris Aquino, buwakaw, Toni G, duling, Anne Curtis, walang talent, KC Concepcion, maraming projects dahil sa parents, Luis Manzano, nagsumbong ka sa Mr mo na hinalikan ka niya. . at marami pang iba na siniraan mo at nasaktan sa pagiging backstabber mo. Huwag mo rin kalimutan ang mga sinaktan mong katrabaho mo sa Wowowee na tulad nila Christine Reyes, Precious Lara Quigaman, Valerie Concepcion at maski si Bentong. HAYAN, FYI lang naman kung nakakalimot ka. Ang mga BFF mo lang naman sa Wowowee na katulad mong sipsip ay sina Pokwang at RR.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agusanonko

    03/18/2012 | 10:33 PM
    well alam nya pala na maldita cya..so ngayon nakagapos ka na ky robin bhee din sa iyo..mgdusa ka dyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • henriettopex

    03/18/2012 | 09:31 PM
    sige iha enjoy ka lang sa wil time big time until magaway uli kayo ni willie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • babyshy

    03/18/2012 | 08:16 PM
    di ka kawalan sa abs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gormiti_2009

    03/18/2012 | 07:20 PM
    keep enjoying, it wont last long, soon there will be trouble in paradise
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • celia1200

    03/18/2012 | 06:17 PM
    maldita ka dahil na meet na kta porke artista ka kala mo ang ganda ganda mo d ka naman kagandahan sana maganda rin ang kalooban mo sorry pero nakikita yan sa u....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bananakiller00

    03/18/2012 | 05:58 PM
    well atleast good vibes.. sana magtuloy tuloy... ;
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About