celeb

Jose Manalo's wife claims the comedian abandoned his family for another woman

by Erwin Santiago posted on March 5, 2012  STATS: 1246 Views | 472 Comments

 

Eat Bulaga! mainstay Jose Manalo is being accused by his wife, Annalyn, of having a relationship with another woman and abandoning his family.

Photo By: Melo Balingit

Dalawang araw pagkatapos ng matagumpay na concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart-Araneta Coliseum noong Biyernes, March 2, ay lumabas naman ang interview ng misis ni Jose na si Annalyn Manalo sa The Buzz kahapon, March 4.

Ayon kay Annalyn, may karelasyong ibang babae si Jose at umalis na ang comedian sa kanilang bahay mula pa noong Enero ng taong kasalukuyan.

Sabi pa ng misis ni Jose, alam na niya ang tungkol sa relasyong ito ng asawa pero pinili raw niyang manahimik alang-alang sa kanilang mga anak.

"Sa pagkakaalam ko, at alam na alam na naming lahat, mayroon at marami na rin akong pruweba na totoo nga ito—totoo ngang may babae siya.

"Totoo pong [inabandona kami].

"Umalis siya January 6 this year, pero yung mga bagay na ito, alam ko na last year pa.

"Since January, alam ko na ang nangyayari. Tinitiis ko lang lahat ito para sa mga bata," saad niya.

Nagulat pa raw si Annalyn nang umalis ng kanilang bahay si Jose dahil nagpapadala pa raw ito ng text messages sa kanya noong Enero.

"Actually, may mga text siya sa akin hanggang January 3 na, 'Mommy mahal kita. Mommy I love you.'

"Iyon ang sinasabi niya sa akin kahit alam ko ng mayroong nangyayari.

"Tinitiis ko lahat yun para sa mga anak ko dahil mahal nila ang daddy nila."

Pero ang pinakamasakit, ayon kay Annalyn, ay nang siraan daw siya ni Jose sa mga kaibigan at katrabaho nito.

Dagdag pa niya, "Wala akong mahingan ng tulong. Binan kami sa Broadway.

"Nagpalit siya ng telephone number niya, hindi namin siya ma-contact."

Sa Broadway Centrum ang studio ng noontime show na Eat Bulaga!, kung saan isa sa mainstay si Jose.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

472 Comments

  • 472  pinay_i2

    05/09/2012 | 07:17 AM
    Desperada lang asawa ni Jose. Kung ako c Jose noon pa ako nagfile ng legal separation noong ang dami niyang ibinigay n problema dahil sa pang i scam nia sa tau. Pati c Jose noon naapektuhan noon pero iniwan ba cia? ngaun natauhan n c Jose sa kanya, kung anu-ano namang kaso ang gustong isampa. it's her right to do so, pero isipin niya sana na pag over 7 years n ang mga anak, pwede n clang mamili kung kanino cla sasama. Me pang buhay b cia s mga bata? Kaya kung mahal niya ang mga bata, hayaan niyang mamili cla kung saan nila gusto ang kung saan gaganda ang buhay nila. cia nga noon pa man cinira na niya ang buhay ng mga bata dahil s daming kaso niya, ngaun, akala mo kung cnong matino cia....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 471  imaboslike

    04/15/2012 | 02:34 PM
    a man na di kayang maging ama sa kanyang mga anak ay magbubunga ng pagbagsak....that's all?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 470  Libertad

    03/25/2012 | 12:38 PM
    First, let us also hear the side of Jose Manalo. Wag agad maniwala sa sasabihin ng isang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 469  wisdomtooth

    03/20/2012 | 10:10 AM
    Ang lalake pag pinaligiran ng seksi at mapuputing babae na gigiling giling e talagang lilikas sa babae na uuwian naman e isang pwede ng giniling. Ang lalake pag nabwiset na sa mga problema na gawa ng babae e normal na iwanan ka na trabaho ng trabaho yung lalake tapos ikaw tambay. Ang lalake pag umabot sa edad na 40 o higit may mid-life crisis yan. Dalawa lang yan mambabae yan at hiwalayan ang asawa kasehodang sanggol pa anak o bumili ng sobrang mamahaling sasakyan. Ganyan utak ng lalake. Yung babae mawawalan ng income yung lalake masosolo income so sino mag-iingay. May bayad ang interview remember.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 468  amronayab_57

    03/14/2012 | 04:19 PM
    basta nagpapasaya si Jose sa mga taong nanonood ng EB sa buong mundo. Whatever marital problem they have that is besides his work. Professional at mabait na ama si Jose sa mga anak niya, kasi nagsisikap siyang mapaganda ang buhay ng pamilya niya, kasi naranasan niyang ang isang dukha. Malas lang talaga niya siguro at may wife siyang bulagsa na di marunong magpahalaga sa mga pinaghihirpan i JOse. Basta EB pa rin kasi napapasaya nila ang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 467  pinay_i2

    03/14/2012 | 02:22 AM
    bakit b tuwing magcocomment, d nio maiwasang pagsabungin ang mga tv stations. if you are an employee of a certain station, oks n idepensa nio ito dahil d2 kau nakikinabang pro kung mga televiewers lang kau, it's pointless na makipagaway at makapagsalita ng hindi maganda dahil kapuso o kapamilya kau. ciguro naman may mga cable companies n diyan that offers different channels. Bakit 2 lang ba ang pwede niong panooran? Pati buhay buhay ng mga artista, pinag aawayan nio. I"m sorry, but it's just irritating that people are argueing over something that is less-important, like tv stations...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 466  kewl

    03/12/2012 | 06:42 PM
    ....continuation kasi nagkulang sa space-----para ulit sa asawa ni Jose...hindi ka ba nag iisip na sa pagpapa interview mo sa tv e mga anak nyo ang lubos na maaapektuhan?!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 465  kewl

    03/12/2012 | 06:38 PM
    Basta ako pinapanood ko siya dahil nagbibigay siya ng saya sa harap ng camera...at kung anuman ang buhay niya sa likod ay sa kanya ng problema yun. huwag na natin pakialaman dahil hindi naman tau parte ng pribadong buhay nila. Hay naku ikaw na asawa ni Jose, move on na kung ayaw na sayo ng asawa mo! may karapatan kang ipaglaban ang sustento at para sa mga anak mo pero huwag mo ng ipilit ang sarili mo kung ayaw na ng tao sa pagmamahal mo. maiksi lang ang buhay ng tao mahirap manatili sa relasyong masalimuot at hindi masaya. saka dapat pinagiingatan mo ang mga pinagpaguran ng asawa mo dahil hindi laging masagana ang buhay sa showbiz...ang dami nyong anak dapat matuto ka na sa mga pagkakamali mo tigilan mo ang panloloko at paglustay ng pera ng ibang tao lalo na kung hindi mo pinagpaguran. at tigilan mo ang pagpapainterview mo sa TV kasi hindi ka naman artista, dapat kung meron man dapat ayusin gawin nyo yan sa pribadong pag-uusap dahil personal at pribadong buhay nyo yan ni jose! hindi ka ba nag iisip na sa pagl
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 464  babyshy

    03/10/2012 | 12:47 PM
    ano pa man ang pinagdadaanan ng mag-asawa, hindi dapat nilalabas ito sa TV. analyn, kung ayaw na sa iyo ni jose, wala namang mangyayari kung binulgar mo pa sa TV di ba? di mo ba naisip na siniraan mo si jose, masisira endorsements at career nya, at lalo wala siyang pang sustento sa mga anak nyo? kung mahal mo talaga si jose, SHUT UP ka na lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 463  daring_nina

    03/10/2012 | 05:08 AM
    So pathetic and disgraceful ABS can be. Hindi pinatulan ang news ng the buzz last week. as in super dedma walang comment at interviews kaya ito ayaw mag paawat. ABS people THINK! tingin nyo ba nakakaawa yung asawa ni Jose ....sa totoo lang mas maraming nabwibwiset sa kanya dahil dinamay pa yung anak nila obvious na desperado sa anda itong babaeng ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 462  remyr12

    03/10/2012 | 05:01 AM
    Diba kaya nawala si Jose ng matagal sa Eat Bulaga at showbiz dahil ultimo sa Eat Bulaga ginegera si Jose ng mga pinagkakautangan at swinindle ng asawa niya. Malamang tinatpos muna niya at inayos ang problema..tapos bumalik at ngayon, natauhan na sa pagkatao ng asawa niya. Now that he is back at kumikita ukit..ayan na si Misis ulit siympre, mawawalan na or mabanawasan na ang makukuha niya. Tama ang ginagawa mong di na lang magsalita Jose..yung mga tao sa paligid mo and showbiz, kilala na ang pagkatao mo at aswa mo..kaya nga malamang sa ibang channel nagpainterview ang misis kasi hin papatulan ng GMA dahil pati malamang ang ibang staff doon naloko ni Misis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 461  beall

    03/09/2012 | 11:46 AM
    kung umalis man si jose sa kanila, am sure di lang si Jose ang may kasalanan.. if u luv someone, di ka magpapainterview nang ganun ganun na lang...at sa dos pa!OMg! d buzz needs a good rating..and maybe it succeeded last sunday because of that controversy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 460  skittlesrainbow

    03/09/2012 | 11:16 AM
    nothing you can do if your husband does not like you anymore...ipaglaban mo na lang na hindi kayo maagrabyado sa sustento.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 459  Manster10

    03/08/2012 | 11:24 PM
    Yan na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 458  BurningElement

    03/08/2012 | 01:14 PM
    D b balita na yan dati? Na inuubos ng wife ung pera nya. Sangkot pa nga un sa lokohan dun sa alahas. Tapos ngaun ginamit pa ung anak. Well..well.well... Tama sila, move on n lang. Eh kaso pano move on kung ang alam eh asa lang sa pera ni Jose? Pity is the word.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 457  kyliegie_8b

    03/08/2012 | 11:17 AM
    well i think meron malalim na dahilan c jose qng bakit iniwan ka na annalyn,ang dami mo kasing ginawa ubos lahat kayamanan kawawa nman ung asawa mo....may point nman na iwan ka na ni jose...may kasabihan nga pag napuno na ang salop wla nah!!!go go jose wlang effect yan kht mag salita pa ung asawa mo ng kahit anu anu laban sau patuloy mo lng qng anu ung pagpapasaya mo sa mga taong bayan at sa boung mundo...WE StILL LOVE U from texas...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 456  cocodhe

    03/07/2012 | 11:46 AM
    di ko masisisi si jose kung iniwan nya asawa nya kc sobra nmn na siguro un ginawa ng asawa nya sa knya..ilan beses na sila naghiwalay pero binabalikan parin sya ni jose...siguro ngayon napuno na si jose sa ugali ng asawa nya kaya umalis nalang sya..minsan kc nasa babae ang problema kaya nambabae ang asawa..basta jose wag ka magsasawang magpasaya ng tao..madami kameng napapasaya mo wag mo pansinin ang mga naninira sau..wala ka dapat ipaliwanag sa mga tao dahil personal na buhay mo na yan..wala na silang pakialam sa personal mong buhay...period.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 455  RonCab

    03/07/2012 | 05:48 AM
    Wala talagang talab, masaya pa rin with Jose around. Malamang nag-move-on na. Kung ako dun sa misis makipagayos na ng legal, para makuha nya yung dapat para sa kanya as the legal wife. Saka para matapos na at mag move on na sila lahat. Walang dapat i-explain sa public ang mga celebtrities. Buhay na nila yun. They owe us great performance. Hindi puro hype, porma, "trending trending". TALENT hindi TSISMIS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 454  pantas_uno

    03/06/2012 | 09:40 PM
    wow PEP! new look : sorry OT ang comment :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 453  Elite_Us

    03/06/2012 | 09:12 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About