“Message ko kay Bea, hindi tayo maghihiwalay tandaan mo ‘yan. Pangako 'yan!’” says Zanjoe Marudo when asked about rumors that he and Bea Alonzo have gone seperate ways.

Photo: Noel Orsal

Sa sunud-sunod na balita tungkol sa hiwalayan—mula kina Derek Ramsay at Angelica Panganiban at sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz—pati sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo ay sinasabing nagkanya-kanya na rin daw ng landas.

  

Kagagaling lang nina Zanjoe at Bea sa Hawaii para sa 20thanniversary show ng Star Magic. Minabuti na rin ng magkasintahan na magbakasyon doon noong nakaraang Semana Santa.

Sa kanilang pagbalik, walang masyadong nababalitaan tungkol kina Zanjoe at Bea kaya marahil ipinagpalagay ng ilan na baka nagaya na rin ang relasyon nila sa mga naghiwalay na showbiz couples.

   

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe sa Metrowear, Fashion Rocks The Runway show noong Miyerkules, May 1, sa Edsa Shangri-La Hotel. Tinanong namin siya tungkol sa balitang hiwalay na rin sila ni Bea.

“Kaming dalawa? Hindi kami maghihiwalay. 

"Maganda ang itinatakbo ng relasyon namin. Maayos… namumulaklak,” nangingiti niyang pahayag.

  

May mensahe pa si Zanjoe para sa kasintahan:

“Message ko kay Bea, hindi tayo maghihiwalay, tandan mo ‘yan. Pangako 'yan!’”

JOHN LLOYD-BEA FAN. Magsasamang muli sina Bea at John Lloyd Cruz sa isang teleserye at pelikula na matagal nang inaabangan ng kanilang mga tagahanga. 

Ngayong gumagawa na ng mature roles ang dalawa, hindi kaya magselos si Zanjoe kung may matitinding kissing at love scenes ang girlfriend at si John Lloyd?

  

“Siyempre excited fan ako ng John Lloyd-Bea.

"Okay lang yun, dati na nilang ginagawa yun,” sagot niya.

Samantala, para naman sa mga tagahanga ni Zanjoe ay may nakalinya na rin daw siyang mga proyekto.  

“Mayroon akong gagawin pero hindi pa napa-finalize. Pelikula at teleserye, so sana abangan nila yun,” pagtatapos niya.