[x]

Sa sobrang pagkagulat ay napahalakhak na lamang si Aiko Melendez nang marinig ang balitang may relasyon umano ang ex-boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at aktres na si Ara Mina. Wala raw siyang ideya na nagde-date ang dalawa subalit alam niyang magkakilala ang mga ito dahil magkabarkada raw sila.

Photo: Melo Balingit

Sa Twitter at ibang social networking sites ay marami ang pumuri at kinilig sa muling pagtatambal nina Aiko Melendez at Jomari Yllana sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) na ipinalabas noong Mayo 5.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aiko kahapon, Mayo 14, sa All-Star Golf Cup sa Ayala Alabang Country Club, ay nagpasalamat ang aktres sa suportang ibinibigay sa kanila ng mga manonood.

“Nagpapasalamat kami, kasi actually sa Twitter nga, ang dami naming good feedback.

“And si Vice Ganda, nag-thank you ako kasi isa siya sa kinikilig sa ‘min ni Jom.

“Ganito yata sa Pilipinas, e, kung sino yung naghiwalay, sila yung ano…parang Pops [Fernandez]-Martin [Nievera], di ba, kinikilig pa rin tayo?

“So, parang Jomari-Aiko [ulit] ang dating.”

Ito raw ang unang pagkakaton na muli silang nagkatrabaho ng dating asawang si Jomari sa isang drama project.

Kumusta naman ang muli nilang pagsasama sa trabaho?

“Okay naman kami ni Jom, magaan namang katrabaho and yung rapport namin, di pa rin nagbabago.

“Kasi siyempre, may nakaraan kami, [so hindi] mahirap na kunwari ma-in love ulit sa isang story.”

Dahil sa mainit na pagtanggap ng tao sa tambalan nila ni Jomari, hindi na raw magtataka ang dating Quezon City District 2 Councilor kung sakaling mabigyan siya ulit ng proyekto kasama ang dating asawa.

Aniya, handa siyang tanggapin kung sakaling may mag-alok na gumawa sila ng teleserye ng kanyang ex-husband.

MAYOR PATRICK MENESES. Bukod kay Jomari, isa pang ex-lover ni Aiko ang napag-usapan sa interbyu.

Ito ay si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na kamakailan ay napabalitang karelasyon na umano ng aktres na si Ara Mina.

Pumutok ang balita tungkol kina Patrick at Ara nang magsampa ng kasong libel at grave coercion ang kapatid na si Cristine Reyes.