Napakaraming projects ni Jennylyn Mercado sa GMA-7 ngayon at masasabing masuwerte siya. “Sana po talaga. Kasi ang gusto ko lang naman talaga, magtuluy-tuloy ang trabaho ko para sa future ng anak ko. Pero yun nga lang, ayaw ko rin namang mag-expect kasi baka kasi pansamantala lang.”

Photo: Noel Orsal

Apat ang regular shows ni Jennylyn Mercado sa GMA-7—ang Hindi Ka Na Magh-iisa, Protégé, Party Pilipinas, at H.O.T. TV.

Balitang kasama pa siya sa uumpisahang epic serye ng Kapuso Network, ang Indio, na pagbibidahan ni Senador Bong Revilla at tinatawag nitong "telemovie." Kasama rin dito sina Rhian Ramos at Maxene Magalona.

Sa estado ng career ni Jennylyn, masasabing siya na ang pinaka-abala at in-demand talent ng istasyon sa kasalukuyan.

Naungusan na niya ang tinaguriang Primetime Queen na si Marian Rivera, na dati’y kaliwa’t kanan ang mga TV shows.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa dressing room ng H.O.T. TV nitong nakalipas na linggo.

Sinabi nitong wala siyang maisip na dahilan kung bakit binabagyo siya ng sangkaterbang trabaho, ngunit walang pasubaling ikinatutuwa niya ito.

“Siguro ano, e. Last year din ganito—mga second quarter.

“Last year, yung first quarter, Party Pilipinas lang at Showbiz Central lang ang ginagawa ko. 

“So, mula Lunes hanggang Saturday, wala talaga. Literally, wala talaga akong ginagawa.

“So, ngayon, tuwing second quarter, napapansin ko na busy talaga ako.

“Parang feeling ko, yun talaga ang panahon na ibinibigay sa akin.”


GETTING HOT. Panahon na bang uminit muli ang career niya sa TV?

“Sana… sana po,” masaya niyang asam.

“Sana po talaga. Kasi ang gusto ko lang naman talaga, magtuluy-tuloy ang trabaho ko para sa future ng anak ko.  

“Pero yun nga lang, ayaw ko rin namang mag-expect kasi baka kasi pansamantala lang.

“Kung ano lang yung ibinibigay sa akin, tinatanggap ko.