Marami ang nakakapansin na mailap daw si Xian Lim dahil hirap itong magtiwala. Sabi naman ni Xian tungkol sa “trust issue: “Natawag na lang siguro na trust issue. Pero hindi naman ganoon... more to myself kasi ako, e. Yung masaya na akong mag-isa… ganoon kasi ako, e.”

Photo: Noel Orsal

WORKING WITH VETERAN STARS. Ano ang pakiramdam ni Xian nang malaman niya na marami silang veteran stars na makakasama sa kanilang bagong teleserye?

Sago ng young actor, “Nung story conference pa lang namin para sa Ina Kapatid Anak, kinabahan na ako noon kasi nakita ko kung sino ang mga makakasama ko.”

Kumusta naman ang working relationship niya sa mga veteran actors?

“Nakakatuwa nga, kasi ako siyempre, nung mga first few taping days, hindi ko pa alam kung ano yung ie-expect ko, e.

“Hindi ko alam kung puwede bang mag-engage sa conversation nila, kasi hindi ko alam kung paano ko sila ia-approach.

“Baka ma-feel nila na nadidiskuntento sila pag makikipagkuwetuhan kami… so hindi ko pa alam.

“Pero ano, kami ni Enchong [Dee] kasi, kasama namin si Tito Eddie, di ba?

“Nagkukwento siya ng life niya kung paano siyang naging artista, tapos sobrang jolly.

“Maski si Tito Ron [Ronaldo Valdez], yung pagkuwento niya, parang ano lang... loko-lokohan lang. Parang very, very barkada lang.

“Nagkaka-bond kami off-screen.”

REAL SCORE WITH KIM. Binalikan ng PEP ang estado ng relasyon ni Xian kay Kim sa likod ng kamera. Tuloy pa ba ang panliligaw niya sa young actress?

Sagot ni Xian, “Yun nga, patuloy kong sinasabi na I’m always gonna be here to make Kim feel really special.

“Well, all throughout, if she needs a helping hand, an open ear, I’ll be here.”