celeb

Jackie Rice on losing so much weight: "Wala naman akong eating disorder.”

by Ruel J. Mendoza posted on September 18, 2012  STATS: 5715 Views | 15 Comments


“Hindi ako anorexic or bulimic. Kumakain naman ako ng tama. Mas mabilis lang ngayon ang metabolism ko kasi may mga sports akong ginagawa ngayon 'tulad ng boxing, scuba diving, at may weight training din ako," says Jackie Rice when asked if she has eating disorder because she has lost so much weight.

Photo By: Noel Orsal

Marami ang concerned sa sobrang pagiging payat daw ngayon ni Jackie Rice.

Ayon sa bida ng GMA-7 afternoon drama series na Kasalanan Bang Ibigin Ka?, may ilang mga tao na sinasabihan siyang tigilan na ang pagpapapayat.

Sinasabi kasi nilang medyo hindi na raw magandang tingnan sa TV ang sobrang liit ng mukha at katawan niya.

Pero meron din naman daw nagsasabi na tama lang daw ang kapayatan ni Jackie dahil bumagay ito sa role na ginagampanan niya ngayon.

Tuloy, may mga nag-iisip na baka may eating disorder na si Jackie.    

“Wala naman akong eating disorder,” mabilis na tanggi ng young actress.

 “Hindi ako anorexic or bulimic. Kumakain naman ako ng tama.

“Mas mabilis lang ngayon ang metabolism ko kasi may mga sports akong ginagawa ngayon 'tulad ng boxing, scuba diving, at may weight training din ako.

“Ngayon, medyo nabawasan na ang workout ko kasi nga madalas akong puyat at pagod sa taping.  

“Unlike before na almost every day ang training ko.”

    

TO LOOK MORE MATURE. Inamin ni Jackie na talagang nagpapayat siya para sa kanyang  muling pagbibida sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?.

Noong ginagawa raw kasi niya ang Sisid noon, may mga nagsabi na mataba pa raw siya.

“Mukha raw kasi akong bata tingnan kapag mataba ako. Matambok kasi ang mga pisngi ko.

“Kaya kina-career ko ang pagpapapayat para sa magiging next role ko, babagay na sa akin.

“Tamang-tama na dumating nga ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? at iba ang role.

"Babagay na sa bagong figure ko. Lumiit na ang mukha ko pati mga braso at legs ko.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

15 Comments

  • 15  cassy113

    09/20/2012 | 03:22 AM
    at least c kim chiu ngaun medyo may laman na..eto at c kris bernal parang mga anoerexic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  rhiamags

    09/18/2012 | 08:53 PM
    first stage: denial.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  mai_chan

    06/28/2012 | 12:48 PM
    Ok lang naman yung katawan niya sexy...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  pwearl1O9

    06/28/2012 | 11:44 AM
    parang attack of the zombies. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  showbizdak

    06/28/2012 | 01:43 AM
    eto yung skinny na hindi na flattering at nakakatuwa. yung tulad ni kim chiu din. baka nga di eating disorder but another affliction. go to the doctor and have yourself checked.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  thelastpepbender

    06/28/2012 | 01:12 AM
    she looks so payat in the picture. but on TV ok naman. I like JACKIE RICE sana isalang na rin sa PRIMETIME.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bantaybata

    06/27/2012 | 10:09 PM
    di bagay! sobrang payat. pa-check up ka neng!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ayteh21

    06/27/2012 | 08:35 PM
    i am just curious ...yung mga stars regardless nang channel when they sign a contract nagpapamedical din ba? kasi during her starstruck days palang , nagshow dati nung clip nang father nya jackie's who was then being interviewed for his comment for his daughter. Napansin ko kaagad na sobrang payat nang father at enlarged yung lymph nodes.. i then told myself he must be suffering from TB.. pero during those days mejo chubby pa c jackie rice so i thought baka hindi nga naman or baka di pa nahahawaan.. lately when i saw her in her show, i then noticed the drastic weight loss.. it might actually confirm my suspicion na baka nga TB.. one major indicator kasi nang taong my TB is enlarged cervical lymph node .ung sa back part nang neck and of course weight loss.. just maybe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    06/27/2012 | 06:54 PM
    okay naman ang katawan mo, ganda nga e. CONGRATS sa dramashow mo, maganda ung kwento at magagaling kayong lahat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • almond143

    06/27/2012 | 05:52 PM
    cadaver na maganda ang pagkaka make up hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tangerine_dream114

    06/27/2012 | 05:40 PM
    agree ako sa ibang comments dito. she looks unhealthy, di bagay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • zephyrinthesky

    06/27/2012 | 04:35 PM
    Hndi ko p nbbasa ung article, tinignan ko p lng ung picture nya. Sa isip ko, mukhang tga GMA ito. Mukhang starlet e...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • purong_kapamilya

    06/27/2012 | 04:27 PM
    ewwww tatak GMA.wahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fluffysasha

    06/27/2012 | 03:33 PM
    based sa picture, di maganda, pero baka sa tv maganda
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manamalady

    06/27/2012 | 03:04 PM
    Hindi bagay sa kanya ang kapayatan nya. Mukha cyang addict, tuyot na tuyot ang itsura nya. Nagmukha cyang matanda. Sowi yun ang nakikita ko. Nanonood pa nmn ako afternoon drama nya and sad to say, she is not pleasing to watch.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About