Halos hindi nakilala ng media si Robin Nievera sa isang event dahil bukod sa wala na itong balbas, mas maikli kaysa dati ang kanyang buhok at pumayat na rin ito nang husto.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Robin, panay ang paalala niya sa amin na ipamalitang pumayat na siya nang todo.
“Thank you, please tell everyone that in caps!” sabi niya habang nangingiti.
Base sa pinakahuling record ni Robin, bumaba na ang timbang niya ng 35 pounds.
“Before, I’m 235 pounds. But now, I’m 190 pounds or 195? I’ll check. Maybe, 20 more pounds pa to lose.
“I’m achieving… sana 170 pounds to 175 pounds.”
Paano niya ginawa ang pagpapapayat?
“Yung gym… diet and gym—that’s it,” sagot niya.
CAREER MOVE. Wala na rin ang curly hair ni Robin.
“Yeah, it’s not nice. It wasn’t pretty!” sabay tawa niya sa sinabi.
Aminado si Robin na para sa pinasok niyang singing career ang kanyang pagpapapayat.
“Yeah, sa career plan. Everyone wants to look good, and I went through an ugly phase!” prangkahang assessment niya sa dati niyang hitsura.
“Hello! Look at my clothes I used to wear—tight shirts, big tats, big hair…
“So, I just want to try something different. Para… di ba, I was a DJ before?
“So, when I changed from being a DJ to a recording artist, I wanna try everything new—sa image—job career.”
ALL IN THE FAMILY. Si Pops Fernandez, ang mommy ni Robin, ang unang-unang natuwa dahil health buff na siya.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
10 showbizdak
9 makatingdila
8 sexydulce
7 humandynamics
6 milomilo123
5 pwearl109
4 298
3 298
2 gmabs27
1 Speed_OfLight