celeb

Child actress Mona Louise Rey says she injects insulin on herself to control diabetes

by Rose Garcia posted on September 20, 2012  STATS: 2194 Views | 14 Comments


As a child star, Mona Louise Rey has accumulated earnings that she claims are deposited in a bank. Asked if she had saved milllions, she said: “Hindi ko po siya natsi-check kasi, wala po akong time na mag-check. At saka, yung pera ko po, pang-aral ko po. Pambili ko po ng ibang gamit sa school para sa akin.”   With Mona Louise in the photo is Princess, her co-star in Aso ni San Roque .

Photo By: Courtesy of GMA-7

Sa totoong buhay, mayroong alagang aso na Pomeranian si Mona Louise Rey.

Sa bago niyang teleserye sa GMA-7, si Mona ay mayroon ding kasa-kasamang aso na si Princess, isang mixed breed ng Golden Retriever at English Cocker Spaniel.

Ito ang dahilan kung bakit hindi raw siya nahihirapan sa bago niyang pinagbibidahan na primetime series, ang Aso ni San Roque.

Eight years old pa lang si Mona nang gawin niya ang Munting Heredera sa GMA-7.

Mula noon, masasabing hindi na siya nabakante sa paggawa ng mga teleserye.

Sa presscon ng Aso ni San Roque noong Lunes ng gabi, September 3, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Mona.

Banggit niya agad na pag-aartista raw talaga ang hilig niya noong araw pa.

“Masaya po ako,” sabi niya.

“At saka, noong bata pa po ako, dream ko na po talaga yun. 'Tapos, may pinapanood po kami ng ate ko, umaarte po ako sa salamin.”



TALENT EARNINGS. Bago ang Munting Heredera, anim na taon pa lang si Mona ay gumagawa na siya ng TV commercials.

Ang perang kinikita niya ay nilalagay raw niya sa bangko.

Pero nang biruin namin siya kung may milyon na ba ang pera niya sa bangko, natawa ito at sabay sabing, “Hindi ko po alam, e.

“Hindi ko po siya natsi-check kasi, wala po akong time na mag-check.

“At saka, yung pera ko po, pang-aral ko po. Pambili ko po ng ibang gamit sa school para sa akin,” dugtong pa niya.

Ngayong walong taon na si Mona, may hilig na siya sa gadgets.

Sabi niya, “Nakabili na po ako ng iPad, cellphone, iTouch—marami na po, e.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  MadamClaudia

    09/07/2012 | 09:23 PM
    angelic beauty, maamo ang mukha at pananalita bagay na bagay sa drama si Mona Louise.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  MadamClaudia

    09/07/2012 | 09:21 PM
    I hope naman malunasan ang sakit na yan, paano na kung walang insulin?......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  BERNARD2010

    09/07/2012 | 08:45 PM
    Cute naman ni Mona!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  map_7five

    09/07/2012 | 01:11 PM
    Good Luck on your new soap, Mona Louise.. At your age, magaling ka ng umarte, pati na rin c Jillian Ward.. Yung mga anak ko, love na love nila kayong dalawa kasi pareho kayong mabait at lovable.. Keep it up..!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Adikreader

    09/07/2012 | 08:04 AM
    wow! you're simply amazing kid!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    09/07/2012 | 12:59 AM
    diabetes is not a horrible illness, not anymore it is like asthma na kong marunong kang mag manage you will live a healthy and enjoyable life. Dito sa amerika ordenaryong sakit na lang yan, I know of a patient already in his 90s dalawang 2 kinds of insulin na tinuturok sa kanya one after the other for the last 30 years and metformin two times a day pero ok lang siya his vision is perfect, his apetite is ok, his blood pressure is stable despite two by-pass operation in his younger years. Kaya ikaw BATA wag kang magalala you will live a healthy and enjoyable life ahead, PROMISE. and Im glad you know how to manage your diabetes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ooooopppppsssss

    09/07/2012 | 12:54 AM
    my favorite child star....beauty na mahusay pang umarte at napakabait na bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jams_mom

    09/07/2012 | 12:25 AM
    naiyak naman ako dun sa sya na mismo ang nag-iinject ng insulin nya... so young, yet so independent... she deserves the blessings coming her way...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kungfushoes

    09/07/2012 | 12:23 AM
    juvenile diabetes nga..may word na "juvenile" meaning bata or batang edad. kung mataas ang blood sugar nya at hindi na kayang gamutin thru tablets like metformin, she will end up injecting insulin. you dont outgrow type 1 diabetes as far as i know but there are ways to control your sugar in order to stay healthy and live longer. goodluck kid!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ako_kenkoy

    09/06/2012 | 11:52 PM
    Your the best child actress ever! I'll pray for your health.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • LosAngeles

    09/06/2012 | 11:02 PM
    Um yes kakabilib! how about kids who are making their own money so they can ear???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pipay_ganda

    09/06/2012 | 10:20 PM
    wawa naman si ganda.. take care mona..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tatoyadik

    09/06/2012 | 09:32 PM
    kabata nmn pra maginsulin...grabe allowed ba sa bata yan...nashock lng ako kc d nya deserved sa age nyang yan pra kapitan ng gnyang sakit....hope gumaling ka...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    09/06/2012 | 09:31 PM
    ito ang totoong child star. Maganda at magaling umarte. Excited na kami sa Aso ni San Roque. Love u Mona Louise.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About