FASHION WEEK (Holiday 2010 Collection): Bolder and braver fashion this coming season!

Mell T. Navarro
Wednesday, June 02, 2010 @ 05:13PM  |  38713 views


The Rubi stars—(top, from left) Jake Cuenca, Shaina Magdayao, Angelica Panganiban, and Diether Ocampo—made the fashion show even more scream-worthy.   Also present were the StarStruck V winners Sarah Lahbati (bottom, third from left) and Steven Silva (bottom, second from left), with runner-up Rocco Nacino.   PBB Double Up's Tibo Jumalon (third from right), Jason Francisco (second from right), and winner Melai Cantiveros (right) graced the catwalk as well.

Photo By: Noel Orsal













Muli na namang nagsama-sama ang mga artista para rumampa sa fashion show ng clothing empire ni Ben Chan. Ang naturang event—na naganap noong ika-30 ng Mayo, sa SM Mall of Asia—ay bahagi ng Philippine Fashion Week Holiday 2010.

Muli rin itong dinagsa ito ng maraming fans dahil kapag Bench event, alam nilang star-studded ito.

Sa show na idinerek ni Ariel Lozada, nabigyan ng ideya ang mga dumalo ng trend na dapat abangan sa darating na season.  

Unang segment ang Human, na nagpamalas ng disenyong eclectic at istilong punk rock. Ang unang celebrity na nagpakita sa runway ay ang ang endorser nitong  si Isabelle Daza, na sinasabi ng karamihan na puwedeng maging beauty queen tulad ng ina nitong 1969 Ms. Universe, si Ms. Gloria Diaz, na nakitang proud na proud habang pinapanood ang anak mula sa audience area.

Dapat sana ay rarampa rin bilang male endorser ng Human si Chris Cayzer. Subalit ayon sa manager nitong si Leo Dominguez, naospital ang PO5 star.

Ang pangalawang segment ay hatid ng Kashieca, na inspired by the romance era ang mga disenyo. Sigawan ang excited audience nang lumabas si Bea Alonzo, na litaw na litaw ang kagandahan sa whimsical theme ng kanyang mga kasuotan.

Ang panghuli ay ang holiday collection ng Bench. Hindi mapigilan ang mga fans sa katitili, lalo na noong ipinakita sa screen and video clips ng naka-topless na si Enchong Dee, na isa ring endorser ng naturang clothing brand. Bagamat hindi ito nakarating, ramdam na ramdam ang excitement ng kanyang mga fans.

Sa segment na ito ipinakilala ang bagong brand ambassadors—ang StarStruck V winners na sina Steven Silva at Sarah Lahbati, pati na rin ang mga runners up na sina Rocco Nacino at Diva Montelaba.

Sumunod naman ay ang Are You The Next Bog Star winners na sina Geoff taylor at Frencheska Farr.

Pagkatapos ng mga Kapuso stars ay lumabas ang tatlo sa PBB Double Up Big Five na sina Johan Santos, Paul Jake Castillo, at Tibo Jumalon. Nagsimula ang malakas na hiyawan nang lumabas si Jason Francisco, na ngumunguya ng bubble gum habang astig na naglalakad sa ramp.

Pinakahuling lumabas sa lima ang Big Winner na si Melai Cantiveros. Kinilig na naman ang fans ng Melason tandem dahil noong nagsalubong ang dalawa sa rampa, ay tiningnan pa nang malagkit ni Jason si Melai, na kuwelang ngumuso sa bagong komedyante.

Nang lumabas naman ang new Bench endorser na si Coco Martin, dumagundong na ang buong SM Mall of Asia sa napakalakas na tilian at hiyawan ng mga tao.

Sa huling pagrampa ni Coco, ganun din kainit ang pagtanggap ng mga fans sa kanya. "I love you, Coco!" ang sigaw ng isang babaeng  nakatayo sa likod ng writer na ito. Isa lamang siya sa maramiing Coco fanatics na nakipagsiksikan para lamang makita ang idol for the first time.

Pero ang highlight ng naturang fashion show ay ang pagrampa ng apat na bida ng Rubi—sina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Jake Cuenca at Shaina Magdayao. Solo-solo rumampa ang apat, at pabonggahan naman ang tilian ng kanya-kanyang tagahanga.

Dalagang-dalaga na si Shaina at sumeseksi pa, kaya hindi malayong ma-in love sa kanya si John Lloyd Cruz.  

1  2  Next »

Related Articles

126 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name