Joross Gamboa after months of workout and diet: "Yung katawan ko, puwede nang pagnasaan!"

Rose Garcia
Monday, August 30, 2010 @ 02:08AM  |  1697 views


"Na-adik lang talaga ako sa gym. Minsan nga, twice a day pa. Yung steroid, alam ko, effective yun. Pero kapag gumamit ka no'n, sobrang laki. E, ayoko naman ng sobrang laki. Magmumukhang pandak ka kapag sobrang laki. So, sa akin, yung may muscle, pero payat pa rin. Katulad nga ngayon, payat pa rin ako," says Joross Gamboa about going to the gym and not using steroids.

Photo By: Paul Mata













Malaki na ang iginanda ng katawan ngayon ng young actor na si Joross Gamboa. Kaya nagulat ang PEP (Philippine Entertainment portal) nang makaharap namin siya sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna, kahapon, August 29.

Kasama ni Joross ang iba pang talents ni Noel Ferrer na namigay ng maagang pamasko para sa ilang mga bata sa pamamagitan ng storytelling, kasabay ng 15th anniversary ng Enchanted Kingdom.

Obvious na ang pag-develop ng katawan ni Joross lalo na ang pagkakaroon niya ng muscles. Resulta raw yun ng literal na araw-araw niyang pagdyi-gym at pagda-diet na halos limang buwan niyang ginawa. 

"Yung katawan ko, puwede nang pagnasaan! Kasi dati, ako lang ang nagnanasa, e. Ako naman ang pagnanasaan ngayon!" natatawang biro ng binata.

Paano nga ba eksakto ang ginawa niya para ma-attain ang porma ng katawan niya ngayon?

"Almost five months na straight diet lang. Manok lang, inihaw na manok or steam na manok, at saka kamote. Walang asin, walang sweets. Yun lang, araw-araw," sabi ni Joross.

Aminado si Joross na habang ginagawa niya ang ganoong klase ng pagda-diet, hindi maiiwasan na madaling mag-init ang ulo niya.

"Nakakainit ng ulo minsan. Madali ka palang magutom kapag hindi ka nagka-kanin. Kaya kailangan daw palagi kang may baon na kamote or may baon ka na manok or kaya prutas. Ang tsitsirya ko na ngayon prutas. At least, healthy living naman."

Sa katulad niyang nagpapaganda ng katawan, palaging may pagdududa ang tao na baka resulta ito ng steroids. Paano kung pag-isipan siyang gumamit ng steroids kaya gumanda nang husto ang katawan niya?

"Before naman, may katawan na rin naman ako. May muscle din ako dati. Mas may laman pa. Kaya kung may mag-iisip man na gumamit ako no'n, wala lang, hindi naman ako maaapektuhan kasi hindi naman talaga.

"Na-adik lang talaga ako sa gym. Minsan nga, twice a day pa. Yung steroid, alam ko, effective yun. Pero kapag gumamit ka no'n, sobrang laki. E, ayoko naman ng sobrang laki. Magmumukhang pandak ka kapag sobrang laki. So, sa akin, yung may muscle, pero payat pa rin. Katulad nga ngayon, payat pa rin ako," saad ng Star Circle Quest alumnus.

COSMO BACHELOR BASH. Pinaghandaan din kasi ni Joross ang nalalapit ng Cosmopolitan Bachelor Bash 2010 na gaganapin sa World Trade Center on September 9. Isa si Joross sa 10 Celebrity Centerfolds na featured sa magazine.

Nakahanda na ba siya sa pagrampa, lalo nga't first time niyang rarampa sa Cosmo?

"Okey lang naman. Although, hindi ko pa alam kung ano ang ipapasuot sa amin, kung anong peg. Pero okey naman," sabi niya.

Naniniwala naman si Joross na tama lang na ngayon siya magpaka-daring.

1  2  Next »

Related Articles

38 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name