Sam Milby defies gravity with motocross

Nica Tomines
Saturday, January 29, 2011 @ 07:49PM  |  11167 views


After trying different kinds of sports, Sam Milby has chosen motocross for the speed and adrenaline rush.

Photo By: Noel B. Orsal













Madalas nating nakikita si Sam Milby sa pelikula at sa mga teleserye na gumaganap ng iba't-ibang mga roles. Isama na natin dito ang mga iba't-ibang commercials na kanyang ginawa.

Ngunit kaninang tanghali, January 28, isang naiibang Sam ang nasaksihan ng ilang miyembro ng press.

Nadatnan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktor na naka-dirt bike gear sa motocross race track sa likod ng SM Bicutan. Sumakay ito sa isang dirt bike at humarurot sa race tracks.

Pagkaraan ng ilang minuto na paikot-ikot sa track, bumalik si Sam sa tent. Dito siya na-interview ng PEP bago siya nakipagsabayan ulit sa ibang mga riders noong hapong iyon.  

Ayon kay Sam, kinuha niya ang pagkakataon na makapag-motocross ulit habang hindi pa nagsisimula ang movie na gagawin niya kasama si KC Concepcion.

"This year is my third time pa lang. I want to take the advantage of the time I have habang hindi pa nag-start yung [shooting ng movie].  Kasi pag nag-start na yung movie wala na, wala nang time," aniya.

HOW IT  STARTED. Kinuwento ni Sam kung paano siya nagsimula sa motocross.

"Nag-skating na ako nung 11 years old ako. Natuto ako mag-dirt bike nung mga 12 [years old]. Nung nag-stop ako mag-figure skating, nag-race na ako."

Nakatulong din daw na mahilig mag-motocross ang kanyang tatay at dalawang kapatid.

"It's in the blood," aniya.

Bakit ito ang napili niyang sport?

"I don't know, when my dad let me try it, na-hook ako kaagad," ang mabilis na tugon ni Sam.

Maraming klase ng sports ang nasubukan ni Sam.  Ilan sa mga ito ay golf, hockey, tennis, soccer, volleyball, at wakeboarding.

"I even did a little bit of gymnastics!" natatawang kwento niya.

Nang tanungin kung ano ang pinagkaiba ng mga ibang sports sa motocross, ngumiti ito at sinabi, "I like the adrenaline rush. I like the speed."

1  2  3  Next »

Related Articles

12 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name