Angelika dela Cruz gives birth to healthy baby boy

Dinno Erece
Wednesday, April 08, 2009 @ 12:19AM  |  54 views


  "Cute, mestizo. Halo kami ni Orion [sa hitsura], pero mas kamukha niya. Super puti, ang cute-cute!" Angelika dela Cruz describes her newborn baby.

Photo By: Noel Orsal













Angelika dela Cruz has her own angel now.

 

Nanganak na noong Marso 20, Friday, 10:06 a.m. ng umaga si Angelika sa UERM Hospital. Lalaki ang isinilang ni Angelika by caesarian section. Gabriel "Gabby" Casareo ang ibinigay na pangalan ng mag-asawang Orion at Angelika.

 

"Happy kami," text ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

 

May bigat na 6.12 pounds ang bata at may habang 51 cm.

 

"Cute, mestizo. Halo kami ni Orion [sa hitsura], pero mas kamukha niya. Super puti, ang cute-cute!" gushes the new mother.

 

Thursday ng gabi, 10 p.m., dinala si Angelika sa hospital at hanggang Biyernes, March 27, pa sila roong mag-ina bago makauwi.

 

Hindi pa sure kung kailan pabibinyagan si Gabby at hindi pa rin final ang mga ninong at ninang. Tuloy pa rin ang church wedding ng mag-asawa sa December 4.

 

Ipalalabas ang exclusive interview ni Angelika mamaya sa Showbiz Central.

 

Originally, isang Kapamilya na lumipat sa Kapuso at nagbalik-Kapamilya muli, muling nagbalik sa GMA-7 si Angelika noong isang taon sa pamamagitan ng dalawang high-profile series—ang primetime na Babangon Ako't Dudurugin Kita at ang Sine Novela na Una Kang Naging Akin.

 

Kalagitnaan ng Una Kang Naging Akin nalaman ni Angelika na buntis na pala siya, tatlong buwan pagkatapos nilang ikasal sa huwes ni Orion sa Bicol. Huling napanood si Angelika sa primetime soap na Lalola.

 

1  

Related Articles

75 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name