Sa pamamagitan lang ng ilang footages sa telebisyon nakikita ni Patrick Garcia ang kanyang anak kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Hindi pa raw niya nakikita nang personal ang anak.
Sa panayam ng Showbiz Central kay Patrick noong Linggo, September 20, tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa anak niya.
"Nakita ko na, pogi siyempre!" nakangiting pahayag ni Patrick.
Hindi man niya personal na nakita ang anak, masaya na rin daw siya nang mapanood ito.
"Inabangan ko talaga. Noong makita ko sa TV, inabangan ko talaga. Kasi doon ko lang makikita, hindi ko pa aabangan? Siyempre, aabangan ko na, di ba? Siyempre, masaya ako. Masaya ako siyempre at, one day, makikilala ko rin yun."
Ano ang nakikita niyang nakuha ng anak sa kanya?
"Siguro sa mga characteristics, hindi ko pa alam. Siguro when I meet him one day, malalaman ko kung ano ang mga namana niya sa akin at kung ano ang namana niya sa mommy niya," sabi ni Patrick.
Matagal nang walang ugnayan sina Patrick at Jennylyn. Pero wala pa rin daw ginagawang move si Patrick para mapalapit sa kanyang mag-ina, kahit noong first birthday ni Alex Jazz.
Paliwanag niya, "For me, unless I'm invited or iwas na lang ako sa conflict or sa gulo para maayos. One day siguro lalambot din ang puso ni Jen. Yun nga. But let's not pressure her or each other. Everything will fall in the right place naman."







as if naman may maniniwala sa iyo dito ano. bakit noong hindi pa buntis si jen sila pa rin ni patrick? at noong nabuntis si jen biglang liko si patrick? ibig sabihin noon hindi man lang nahalata ni patrick na may ibang lalake si jen ganon? napaka estupido naman ang ganyang pag iisip...siguro kung hindi naging carbon copy ni patric siguro may katiting na pagdududa sa side ni patrick eh..at ano naman ang akala nyo kay jen? ilan na ba ang naging bf niya sa showbiz na panandalian lang?
tama na ang pag-tira nyo kay jen..she is slowly recovering from all these bruhahas patrick and his family have done to her...hindi naman siya kailangan ni jen eh bakit siya nagpapainterview ng ganyan? ginagamit lang niya i jazz and jen now para makabalik sa showbiz...hindi nga naman habang buhay suportahan siya ng mga magulang niya ano? sugarol pa pala...hahahahaha JEN...GOOD RIDDDANCE PALA SI PATRICK..
Ayan kasi Patrick, dahil sa pagdududa mo dati, masama tuloy tingin ng tao kay Jen.
Kaya ganun na lang ang galit ni Jen sa yo.
Gumising ka nga,Patrick!!Nag aantay ka lang ng tamang panahon dahil buhay pa ang nanay mo? Kasi magagalit ang nanay mo pag pumunta ka? Iwas na lang daw sa conflict or sa gulo para maayos...ang sabihin mo, dinidiktahan ka pa din ng nanay mo kaya wala kang sariling desisyon. Ang tanda tanda mo na, Patrick ..kung hindi ka sana nagumon sa sugal noon, maayos na ang buhay mo at nakawala ka na sa nanay mo.Ngayon, hawak ka pa din sa leeg kasi pangkain mo ay wala ka panggastos.Ni wala kang trabaho mana lang, patrick. Huwag mo ng guluhin pa ang anak mo.
mestiso..saknya ang mata at ilong
at ang likot n nya...
sarap na nung laruin patrick pero...sorry k na lng..ahahaha
malambing na baby..ehehe
dapat nung nanganak si jen doon mo na inaabangan wala eh nagtatago ka sa palda ng nanay mo.
mata at ilong nakuha kay patrick
nung nabuntis nya si jennilyn nagtatago ngayon nmn na naisilang ni jen ang bata
panay panay paramdam
will nasa kay jen parin ang disisyon kung kelan ipapakita sa knya ang bata
dahil ma smay karapatan si jen dahil pasan nya ang hirap nung iniwanan sya ni patrick sa kalagitnaan ng pagdadalang tao nya.
patrick anatayin mo nalang ang panahon pa.