Parehong visible sa Kapuso network ang dating magkarelasyon na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, pero kahit papano ay hindi pa rin sila nagkukrus ng landas. Hindi pa sila nagkakausap at nagkikita simula nang magkaroon ng malaking hidwaan sa pagitan nila, at kahit halos isang taon na ang anak nilang si Alex Jazz or AJ, hindi pa rin ito nasisilayan ni Patrick.
Patuloy lang ang takbo ng buhay ng dalawa na busy sa kani-kanyang career.
Si Jennylyn ay featured sa cover ng FHM magazine ngayong November habang si Patrick naman ay kasama sa bagong series ng GMA-7 na Fullhaus.
Ayon kay Jennylyn, iisa lang daw ang mensahe niya sa pagpo-pose nang sexy sa FHM: "Kahit na mommy ka na, hindi naman ibig sabihin na papabayaan mo na ang katawan mo. Kailangan, di ba, palagi kang fresh, palagi kang maganda, maganda ang skin, yung katawan mo slim. O kahit hindi masyadong payat, kailangan fit ka, di ba?"
Loveless raw si Jennylyn, pero wala raw masama kung mag-date man siya. "Single naman ako. Open ako. Pero, wala pa naman."
CHILD'S LAST NAME. Bukod sa trabaho, priority raw ni Jennylyn ang pag-aasikaso kay Alex Jazz. Pero handa na ba siyang ipakilala ang anak sa ama?
"Darating din naman ang time na yun, pero, ayoko nang isipin. Pinaghahandaan ko naman yun."
Napag-isipan na raw niya na mas gusto niyang ipagamit sa anak ang apelyido ng kung sinumang lalaking pakakasalan niya at hindi ang "Garcia."
"I'm sure darating din yung time na maghahanap si AJ ng father figure. Sasabihin ko ang totoo. Walang reason para magsinungaling."
What if makasalubong nilang mag-ina si Patrick?
"Ano, I'll say... 'Anak, say hi na lang,'" at saka tumawa siya.
PATRICK REMAINS OPTIMISTIC. Positive naman si Patrick na isang araw, makikita rin niya nang personal ang anak.
"I'm optimistic that one day, mari-realize niya na it's not about both of us anymore, it's about our son. I may have failed so many things in my life, pero, in being a father, at least, give me a chance to be a father."
May binili raw siyang birthday gift para sa anak.
"Actually, meron ako sa bahay for him. Pero I'll just give it na lang once na maging okey na. Siguro isipin na lang niya ang anak namin na one day, baka makilala ko rin."







hindi ba ganyan din ang galit mo kay mark herras ng mag break kayo...o ngayon biglang kabig ka?!
MOVE ON...LEARN TO FORGIVE! not for you but for your son...masyado ang hatered mo...ikaw win maginf vadash ang anak mo...sabagay okay na din para may mag alaga sa yo
I agree with you. SInabi na nga ni Monster Bing na quot;SI KENDRA ANG UNANG APO SA FAMILYquot;. Kahit grade one naintindihan yan. Kaya ayan, wala ng ginagawa si Jen. UNLESS may gagawing move etong si Patrick. KASO WALA PANG GINAGAWA EH, nagagalit na ang tao. ANONG GUSTO NYO, SI JEN PA LALAPIT KAY PATRICK?
Isa pa, yong mga nagsasabi dyan na si Jen immatured or di marunong magpatawad. TEKA, NAG-SORRY NA BA SI PATRICK AT ANG FAMILY NYA? Dati sila pa yong makapal na nagsasabing mag public apology si Jen eh, bago nila bigyan ng support si AJ. Eh ano ngayon, kayang kayang buhayin ni Jen si AJ without the Garcia.
tapos ngayon sisisihin nyo si jen sa kanyang desisyon? bakit hindi nyo pakialaman na lang mga buhay nyo? eh kapansin pansin naman kayo puro nega at lait kay jen eh....
Hindi malandi si Jen. Nagkataon na nabuntis lang sya. Bilangin mo naman kung ilan na naging bf nya. 2 pa lang. DI nyo ata napapansin mga ibang artista na kung tutuusin mas bata pa kay Jen. 20 na si Jen nong nabuntis sya.
hoy gumising ka nga? si jen lalapit sayo? after you and your mom lambasted jen in your interviews several times on tv?