Walang pagtatangging sinagot agad ni Carlene Aguilar sa Startalk kahapon, March 27, ang balitang nagpakasal na siya sa non-showbiz boyfriend na si Yo Ocampo at noong nakaraang taon pa ito naganap.
Sabi ni Carlene, "Hindi ko siya dinenay. Hindi ko rin sinabi publicly dahil siyempre, private person lang si Yo. And gusto niya mas tahimik."
Bakit niya napagdesisyunang magpakasal?
"Bakit? Siguro nagmamadali na siya," nagbibirong sabi ni Carlene. "Ewan ko, siguro, dahil nagmamahalan kami at dun din naman pupunta. Bakit pa papatagalin?"
JOKEY PROPOSAL. Kuwento ni Carlene na sa pamamagitan nga lang daw ng biro idinaan ni Yo ang kanyang marriage proposal.
"Actually, parang joke lang. Parang sabi niya pa nga, bakit daw pinagtawanan ko siya? Sabi ko, 'Seryoso ka?' Kasi, parang wala talaga sa isip ko yun."
Ikinasal sina Carlene at Yo sa simpleng civil rites sa Quezon City Hall noong June 20, 2009. Pawang mga close friends lang nila ang present sa naturang kasalan.
"Sobrang close friends lang. Yung hindi mga celebrities. Simpleng-simple lang din. Tapos yung church wedding, gusto niya, sobrang engrande. Siyempre, pinaghahandaan pa yun. Tapos si Calix, meron nang buong family na matatawag."
Kahit daw simple lang ang naging kasalan, sinigurado pa rin nilang may permiso sila sa kanilang mga magulang.
"Siyempre sa una, parang ayaw nila ang idea. Sa family ko, pero, eventually, parang okey naman na. Initial reaction nila, siyempre, panganay ako, e. Tapos, babae pa. So, ayaw nilang mag-let go."
DAD AND FATHER FIGURE. Sinabihan niya daw si Dennis Trillo, ang ama ng kanyang anak na si Calix.
"Siyempre, nagulat din siya. Siguro meron din siyang dapat malaman. Siyempre, father siya ng baby ko. Siyempre, titira ang baby namin sa ibang lalaki. Mahal naman kasi ni Yo si Calix, e."
Ngayong dalawa na ang kikilalaning ama ni Calix, hindi kaya magkaroon ng problema sa pagitan nina Dennis at Yo?
"Wala naman, kasi alam ni Calix na si Dennis ang daddy. Daddy ang tawag niya kay Dennis. E, kay Yo, Tito Yo lang."
"Sobrang okey" daw ang relationship ni Calix at Dennis. "Siya yung disciplinarian. So, si Calix nakikinig sa kanya. Mas sa akin hindi. Parang ako yung spoiler."







Nakakatawa lang si Dennis kasi dati pinatago pa ang pagbubuntis noon ni Carlene, pinadala sa Amerika at kunwari mag-aaral, played the field and is still playing the field, weekend father lang naman yata tapos ngayon todo angkin sa anak.
Kung nasa mother ang custody ng anak, nasa kanya ang desisyon. Lesson sana ito sa mga ibang lalaki.
sana palitan ng management ang director ng Party Pilipinas. walang structure ang show! sayang.
nagpapakontrobersyal lang yang carlene na yan..wla na kasi issue sa kanya eh..gagamitin pa anak!
nu ba yan
ano ba ang rason ni carlene? para DAW hindi maiba ang family name ni calix sa mga anak nila ni yo EH HINDI NAMAN ANAK NI YO SI CALIX lol
Kasi pag nag-asawa na si Dennis, buti kung yung asawa nya eh payagan pa syang laging dumadalaw kay Calix. Paano kung makatapat sya ng masama ang ugali?
sabagay hindi naman siguro siya seryoso ano. kung para lang may mapag usapan sige..heto na ako! lol
lol
im not being judgemental PERO kung bibigyan ng karapatan ang isang ina na ibahin ang apelyido ng anak dahil ayaw niyang ma confused ang bata bakit iba apelyido niya..kalokohan..
calix, iba ang apelyido mo anak dahil anak kita noong dalaga pa ako. simple di ba? pinapa ikot lang eh.
Dennis is a good father and provider to his son, give him some respect!
For me tama si dennis anak nya yun..