celeb

Gladys Reyes overjoyed with unexpected third pregnancy

by Rose Garcia posted on April 22, 2010  STATS: 988 Views | 30 Comments


  "Pag-uwi namin galing sa Batangas, hindi ako makagulapay. Buong araw ako halos na nakahiga. Iniisip ko, baka napagod lang. Pero duda na rin ako kasi nasusuka, nahihilo, masakit ang ulo ko the whole day. 'Tapos, noong March hindi na ako dinatnan ng monthly period kaya sabi ko kay Chris, parang duda na 'ko. Noong mag-pregnancy test ako... Pagtingin ko, sobrang linaw ng dalawang lines!" narrates Gladys Reyes.

Photo By: Noel Orsal

Unexpected man, masayang-masaya pa rin ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas sa sorpresang magkakaroon na sila ng ikatlong bundle of joy. Positibo ngang nagdadalang-tao muli si Gladys sa kanilang third baby ni Christopher.

"Medyo unexpected, although kami ni Christopher, gusto rin namin talaga na yung age gap, yung kagaya ng nangyayari ngayon. Kasi si Aquisha, magtu-two years old na at ako naman, turning 33 na rin. E, sabi ko talaga, sana by the age of 35, hindi na ako mag-aanak, stop na. So, sana nga kambal na ang ipinagbubuntis ko ngayon para isang anakan na lang!" natatawang kuwento ni Gladys nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone.

May chance naman daw na magkaroon sila ng anak na kambal dahil may lahi raw sa pamilya nila Christopher ng kambal.

"Ate na si Aquisha!" sambit pa ni Gladys.

THE DISCOVERY. Nasa six weeks na raw ang ipinagbubuntis ni Gladys ngayon. Nalaman daw niyang buntis siya noong Black Saturday, April 3, sa pamamagitan ng home pregnancy test pagkatapos ng pagbabakasyon nila sa Batangas. Naghinala na raw siya dahil nararamdaman niyang muli ang signs ng pagbubuntis tulad sa dalawa niyang nauna.

Kuwento niya, "Galing kaming out of town sa Batangas. Ini-invite kami ni Emilio Garcia, may private resort sila sa Canyon Cove. Kasama rin namin si Wowie de Guzman. Pag-uwi namin galing sa Batangas, hindi ako makagulapay. Buong araw ako halos na nakahiga. Iniisip ko, baka napagod lang. Pero duda na rin ako kasi nasusuka, nahihilo, masakit ang ulo ko the whole day. 'Tapos, noong March hindi na ako dinatnan ng monthly period kaya sabi ko kay Chris, parang duda na 'ko. Noong mag-pregnancy test ako... Pagtingin ko, sobrang linaw ng dalawang lines!"

Kaya raw medyo unexpected ang pagbubuntis niyang muli ay naging polycystic siya after niyang manganak kay Aquisha.

"Yung right ovary ko, nakitang naging polycystic siya. Kapag ganun, sabi ng OB, medyo mahihirapang magbuntis. Nagpa-check-up ako, nagpa-ultrasound kasi tapos na akong mag-breast feed. Pero may one year yata akong hindi pa rin nagkakaroon ng monthly period. So yun, nakita nga na polycystic ako," lahad ni Gladys.

CHRISTOPHER'S DELIGHT. Naging emosyunal naman daw si Christopher nang malamang magiging daddy itong muli for the third time.

"Grabe si Christopher!" bulalas ni Gladys. "Nang malaman niya, ang naging reaction niya, naiyak pa rin siya! Parang first-time dad. Siguro kasi, naiisip din niya na baka hindi na nga masundan si Aquisha. Pag si Christopher, ideally, gusto sana niya apat. Siyempre, ayaw rin naman niya na dalawa lang kung sakali.

"At itong asawa ko," patuloy niya, "sa sobrang excitement—sabi ko nga parang first-time dad—nag-text na agad kay Ryan [Agoncillo], kay Wowie, sa ibang mga friends. Plano ko sana hindi ko muna ipagkakalat kasi nga, hindi pa naman kami nagpapa-ultrasound. Kapag sure na sure na, may heartbeat na.

"E, kaso, baka malaman ni Juday [Judy Ann Santos]. Bakit yung iba alam na, siya hindi ko pa sinasabihan. Baka magtampo. So, nag-text na rin ako sa kanya, kaya tawa nang tawa."

BFF MOMS. Magkapareho raw sila ng ob-gyne ni Juday, na three months pregnant naman sa kanilang first baby ni Ryan. Si Gladys ang nag-refer ng kanyang OB sa kaibigan.

"Iisa lang ang OB namin, si Dra. Florendo. Tawa siya nang tawa at sabi nga niya, 'Mag-best friend talaga kayong dalawa.' Kasi, hayan sabay rin kaming nagbuntis. Una lang siya ng isang buwan yata.

"Kaya ngayon kami ni Juday, mas comparing notes kami. Pero sa aming dalawa, mas maselan pa yata ako. Si Juday, ang sabi niya, apat na beses pa lang daw yata siyang nagsuka. Feeling ko, tulad ako noong nagbuntis kay Christophe [her firstborn] ngayon. Ganun yata kapag boy."

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

30 Comments

  • 30  spiderman2667

    05/07/2010 | 10:23 AM
    Glady's bawasan mo naman kasasalita mo sa SHOWTIME..nakakabagot ka na..tinatamad tuloy kaming panoorin Showtime..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  showbiz2010

    05/07/2010 | 05:29 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  chardine88

    04/29/2010 | 01:18 PM
    true! mmk with gladys and juday! gladys deserves a really good acting material. si gladys and juday namamayagpag sa showbiz na hindi eksenadora at pacute. ang galing nila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  dioxide8

    04/28/2010 | 08:49 AM
    Buti na lang u chose to stay sa ABS, kundi sayang ang talent mo. Mapa contrabida or komedyante... effective!

    MMK team, isang episode naman jan for Galdys and Juday. This time si Gladys naman ang api-apihan... its gonna BE a good twist and a showdown of their acting prowess.

    Way to go Gladys!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  dioxide8

    04/28/2010 | 08:48 AM
    Buti na lang u chose to stay sa ABS, kundi sayang ang talent mo. Mapa contrabida or komedyante... effective!

    MMK team, isang episode naman jan for Galdys and Juday. This time si Gladys naman ang api-apihan... its gonna pa a good twist and a showdown of their acting prowess.

    Way to go Gladys!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  simple_quote

    04/26/2010 | 02:26 PM
    Expected man o un expected! Babies are blessings from GOD! Oklang na mag baby me asawa ka namang tao e, ang mahirap e ung pabuntis ka ng pabuntis kung kani kaninong boylets na single ka. Congratulations to u and to ur husband :
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  penshoppe

    04/25/2010 | 07:21 PM
    Mantakin mo yun?!!! Sabay nagbuntis sina MARA at CLARA?!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  khopkhun

    04/23/2010 | 02:43 PM
    congrats bro and sis!another gift from God:-bangkok.thailand!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  misstoe

    04/23/2010 | 02:04 AM
    Langyah ka Gladys, pinapataas mo ang presyon ko sa Habang May Buhay..kuhhhh..sarap mong sabunutan...pero it means lang na magaling kang kontrabida :-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  lanalang08

    04/08/2010 | 05:09 AM
    gaya gaya naman si gladys kay juday dahil buntis si juday siya din ay buntis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  TopsyCret

    04/08/2010 | 02:13 AM
    next to carmina and zoren silang mag asawa. hope till death do us part na kayo and so with aga and charlene, richard and lucy, sharon and kiko.these people found their BESTS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  woodenshoes

    04/07/2010 | 11:57 PM
    congrats sis!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  pepato

    04/07/2010 | 11:12 PM
    Sabay sila ni Juday. Ang KULET!!!

    Congratulations!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  moviefandin

    04/07/2010 | 09:30 PM
    congrats! maganda din siyang napapanood sa showtime. a different side of gladys ang napapanood. magaling din sa comedy... maybe it would be nice to see gladys and christopher sa isang reality show - yung kanilang family life...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  partyPPol

    04/07/2010 | 07:43 PM
    I always watch MoMents, congrats to Gladys amp; Christopher!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  gimikera

    04/07/2010 | 06:31 PM
    Ang bongga naman ng Showtime, may out of the country shows sa Milan, Rome at United Kingdom! Sana lahat ng hosts and judges makasama. =
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  bataanmatamit

    04/07/2010 | 05:15 PM
    Love ko si Gladys kahit sobrang matapang sya sa TV. Pero naging habit yata ni Christopher ang gumawa ng baby? Hehehe Sabi nga ni Gladys, super daks daw ung asawa nya.

    Congrats sa inyong mag-asawa!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  windyrose86

    04/07/2010 | 04:15 PM
    congratulations!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  182395

    04/07/2010 | 04:13 PM
    di ba taga siete ito??? -
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  custard

    04/07/2010 | 03:44 PM
    congrats sa iyong showtime baby!!

    sobrang aliw ako kahapon sa inyo ni vice sa showtime. kaya lang ingat ha, kasi si vice ang araw araw mong kasama, baka mapaglihian mo, haha, hwag na lang , syang naman. si anne na lang pwede or si carmen soo, di ba? para pag girl, pretty. .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About