Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos are expecting a baby boy

Rose Garcia
Monday, May 31, 2010 @ 10:10PM  |  38 views


  "Ano, e, kumbaga, nakumpleto na. May baby girl na kami kay Yohan. May baby boy na. Kung masundan man, kahit ano na. Meron na kaming one girl and one boy," says Ryan Agoncillo (in photo, with wife Judy Ann Santos) about the arrival of their baby boy.

Photo By: Noel Orsal













"It's a boy!" masayang bulalas ni Ryan Agoncillo sa taped interview sa kanya ni Joey de Leon sa Startalk last Saturday, May 29.

Nalaman na kasi ng mag-asawang Ryan at Judy Ann Santos na lalake ang ipinagbubuntis ng aktres. Siyempre pa, masayang-masaya ang dalawa dahil makukumpleto na ang kanilang pamilya dahil sa pagdating ng kanilang baby boy. May baby girl na kasi sila with their adopted daughter na si Yohan.

Alam na ba ni Yohan na baby boy ang magiging kapatid niya?

"Pagkabalik kasi namin galing Amerika, the next day, nagpa-ultrasound kami. E, dun namin nalaman na it's a boy. E, kasama namin si Yohan. Yun ang first time na makikita niya ang ultrasound, dun niya nalaman na baby brother ang kanyang magiging utol," kuwento ni Ryan.

Ano naman ang naging reaction ni Yohan nang malaman nito na lalake ang ipinagbubuntis ng kanyang mommy Juday?

"Kami ni Yohan, nagkatinginan kami," sabi ni Ryan. "E, si Juday, nakahiga sa kama, kami nasa upuan. Gusto naming siguraduhin kasi minsan, nagkakamali. E, eto kasi, yung kamay ng bata, nakatakip sa mukha. E, mangiyak-ngiyak si Yohan. Gusto niya yata girl. Meron siyang bibihisan. E, ito boy. Kukulitin siya nang matindi. Ako, yun ang pakiramdam ko na feeling niya."

Tinanong din ni Joey si Ryan kung meron na silang naihandang pangalan para sa kanilang baby boy.

"Meron na, meron nang paunti-unting pangalan na pinagpipilian. Pero gusto namin kasi yung medyo makaluma ang pangalan. Mga old Spanish name ba, mga pangalan ng sinaunang Filipino," sabi niya.

Ayon pa kay Ryan, tapos na sa stage ng paglilihi si Juday.

"Wala na. Sa ngayon, ang kinakasanayan niya, yung pagpapahinga sa bahay. Laging aligaga, e. Minsan bigla-bigla, kasi nga pahinga na siya sa trabaho ngayon. Minsan magte-text sa akin na, 'Imi-meet-up na lang kita ng dinner.' Yun pala, nasa Makati na, nagsa-shopping na! Yun ang kinakasanayan niya. Tinatawag niya ang lahat ng kaibigan niya, pumupunta sa bahay or magdi-dinner sila, magla-lunch sila sa labas."

Kagagaling lang nina Ryan at Juday sa kanilang pagbabakasyon sa U.S. and for the first time nga ay nakasama nila si Yohan. Pero ayon kay Ryan, bitin bakasyon nila.

"Bitin para sa amin," sabi niya. "Kasi yung pagbakasyon namin, pag-ikot kay Yohan. Kasi, solong anak pa siya ngayon. That was the last trip na solong anak siya, so sa lahat talaga, binuhos namin sa kanya at sa pagbili lang ng gamit para kay Buchochoy [ang pet name nina Ryan at Juday sa parating nilang anak]."

Pagbalik daw nila ng bansa, trabaho na rin ang inatupag nila. Si Juday ay tinatapos pa rin ang shooting ng movie nila ni Sarah Geronimo, samantalang si Ryan naman ay balik sa pag-host ng Talentadong Pinoy sa TV5 at Eat Bulaga! sa GMA-7.

"Si Juday, may four shooting days na lang sa pelikula nila ni Sarah. Pero now, puro commercial at pictorial shoot na lang ang ginagawa niya."

Ayon kay Ryan, napaghahandaan na rin daw nila ni Juday maging ang pagpapaaral ng kanilang mga anak. Kaya biro ni Joey, yun daw ang mabuting ama at sa mga babae raw na naghahanap ay nirerekomenda niya si Ryan, na ikinatawa nang husto ng huli.

1  2  3  Next »

Related Articles

40 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name