At the age of 27, welcome na kay Angelika dela Cruz ang tumanggap ng mother roles. Sa tunay na buhay kasi ay isa nang ganap na ina ang aktres sa one-year-old baby nila ng asawang si Orion Casareo, si Gabby.
Kaibahan nga lang, sa bago niyang primetime series na Pilyang Kerubin, ina si Angelika ng isang 12-year-old actress sa katauhan ng bida ng serye na si Barbie Forteza.
Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa presscon ng Pilyang Kerubin last Monday night, May 31, inamin niya na nagdalawang-isip siyang talaga when she was first offered the role.
"Ina na ako dito," nakangiti niyang sabi. "Sabi ko nga, parang naging ina na rin ako ng kapatid ko [Mica dela Cruz] kasi same age sila [ni Barbie]. Okey lang naman sa akin kasi maganda naman ang role. Ako si Melissa dito na love interest nina Paolo Contis at Raymart Santiago. This time, bait-baitan naman ako dito.
"Actually, yun nga, noong in-offer sa akin, talagang nagdalawang-isip ako!" tawa ni Angelika. "Parang ang tanda naman ng anak ko! Isang taon pa lang naman ang baby ko, biglang naging 12, 13... Sandali lang ha, mag-iisip lang ako. Nabuntis ako ng kinse anyos or fourteen years old? Sabi ko, 'Pag-iisipan ko, ha!'"
Pero dugtong niya, "Noong mabasa ko naman ang script, nakita ko na maganda yung role. May dahilan naman pala kung bakit ako nabuntis nang maaga. So, sabi ko, 'Sige po, puwede na.'"
Hindi naman daw natatakot si Angelika na baka ma-typecast siya sa mother roles after Pilyang Kerubin. Ipinapasa na rin daw niya sa manager niyang si Perry Lansigan ang pagdedesiyon when it comes to her career.
"Gusto ko iba-iba. Kung puwede iba-iba. Minsan mabait, minsan mommy, minsan kontrabida. Paiba-iba talaga. Ang sa akin naman, siyempre it helps din na mommy na ako in real life. Tapos si Mica naman, ang trato ko rin sa kanya, parang baby na kasi malayo ang agwat namin, di ba? Hindi naman ako ilang na ilang na maging mommy ng 12 years old kasi ang kapatid ko, parang baby ko na rin. So, okey lang. Hindi naman sobrang nangangapa," saad ng aktres.
HANDS-ON MOM. Bilang mommy naman sa totoong buhay, super hands-on daw si Angelika pagdating sa kanilang anak.
"Yung baby kasi, hindi namin siya iniiwan sa yaya lang. So, from morning till 5 p.m., nasa akin siya. Kahit nagte-taping ako, sinasama ko siya. May call time din siya at may cut-off siya hanggang 5 p.m. Yung asawa ko, lumalabas ng four o'clock sa office, tapos kinukuha na niya si Gabby," kuwento niya.
Tipong spoiler mom ba siya?
"Oo... Ay, as a mom, winner akong mommy! Best in multi-tasking," sambit ni Angelika.
Aminado rin ang aktres na simula nang maging mommy siya ay napakalaki na ng nabago sa kanya.
"Mabait na. Mas bumait na ako. At saka hindi na ako nabubuhay para sa sarili ko. At saka obsessed ako sa anak ko!" natatawa niyang sabi.
Paano niya nasabing "bumait" siya?







CLAUDINE BARRETTO
ANGELU DE LEON
JOLINA MAGDANGAL
RICA PERALEJO
ANGELIKA DELA CRUZ
Yan ang mga teen Queens ng late 90s na nagpukpukan sa mga lead roles at paramihan ng fans!!
nakakamiss yung era nila esp yung JUDAY-ANGELU-CLAUDINE-JOLINA square competition in terms of career.
ngayon time nila
BEA ALONZO
ANGEL LOCSIN
ANNE CURTIS
MARIAN RIVERA
ANGELICA PANGANIBAN