Paulo Avelino gets ready for baby's homecoming

Rey Pumaloy
Sunday, August 01, 2010 @ 06:59PM  |  84 views


Paulo, who wears a Mohawk for his bad boy role in Ilumina, is eager to play dad to his son, Ethan Akio. While girlfriend LJ Reyes recovers from the July 24 delivery, Paulo is getting Akio's room ready for when mother and baby come home from New York.

Photo By: Courtesy of GMA-7













Kakaibang Paulo Avelino ang mapapanood sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Ilumina, na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Jackie Rice.

Mistulang "Mohawk" ang punk na gupit ng actor para bagayan ang kanyang kontrabida role.

"Ang role ko po, si Antonio, ang kuya ni Lexsi Fernandez, bad boy.  May gusto po ako kay Rhian.  Parang doon na po iikot ang pagiging bad boy ko," kuwento niya.

Tinanong namin kung di ba siya natatakot na ma-typecast bilang kontrabida samantalang may potential naman siyang maging bida? O gusto lang niya talaga ng trabaho dahil tatay na siya?

"Siyempre, gusto ko rin po ng trabaho. Pero, parang ginusto ko rin pong maging bad boy para maiba naman at hindi pare-pareho, hindi paulit-ulit.  'Saka sana, after nito, hindi na bad boy po ulit. So, medyo mahirap na i-crack uli kung dire-diretsong bad boy ulit," pag-amin niya.

Nagkaroon noon ng "gender issue" si Paulo. Una siyang natsismis sa malapit niyang kaibigang si Aljur Abrenica at na-link rin sa singer na si Chris Kayser na madalas niyang panoorin sa mga gig nito.  Pero noong mabuntis niya si LJ Reyes ay namatay na ang mga ganitong paratang.

"Hindi naman ako natuwa na walang isyu na gano'n, kasi sa umpisa pa lang naman walang saysay yung issue na yun.  Ahm, hindi naman nabi-base ang pagkalalake sa... kumbaga, sa tindig lang.  You need to know the person before you judge him," sabi niya.

GETTING READY FOR BABY AKIO. Sinisimulan na raw ni Paulo ang paghahanda para sa pagdating ng kanyang baby sa Pilipinas na ipinanganak ni LJ sa New York, USA, noong July 24.

"Namimili na rin ako ng gamit para sa baby namin.  Nagbabasa na rin ako ng books para meron akong alam kung paano mag-alaga," pagbabalita niya.

Kabilang sa paghahanda ni Paulo ay ang pagsasama nila ni LJ sa iisang bubong kahit wala pang basbas ng kasal. 

Magsasama raw sila sa bahay nina LJ pag-uwi ng girlfriend at anak sa Pilipinas, "Kasi gusto ko rin pong maalagaan ang baby namin, e," nakangiting paliwanag niya.

Inaasikaso niya sa ngayon ang magiging kuwarto ng anak.

"Medyo nasa kalahati na... Yung crib kasi nag-canvass rin ako nang matagal-tagal.  Naghahanap talaga ako ng matibay. Ang dami kasing nagsasabing ganito-gano'n.  So, soon makakabili na rin ako ng crib."

Mas gusto ni Paulo ang simpleng décor para sa kuwarto ng anak.

"Parang bright lang.  Ayoko rin ng may character sa room, e.  Gusto ko plain lang.  Pero hindi naman dull plain.  Yung bright lang," balita niya.

1  2  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name