First time na magsasama sa isang show ang magkapatid na Bodie at Djanin Cruz, dalawa sa tatlong anak ng mag-asawang Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti. Ito ay sa bagong telefantasiya ng GMA-7, ang Grazilda.
Hindi kataka-takang sumunod sina Bodie at Djanin sa yapak ng ama, dahil kilala ang buong Cruz clan bilang mahuhusay na actors at singers.
Pero ang maipagmamalaki ni Pip, na siyang palayaw ni Tirso, ay nakapagtapos ng kolehiyo sa De La Salle University ang lahat ng anak.
Si TJ (Tristan Jedidiah) ay graduate ng international studies at nagtatrabaho sa St. Luke's Medical Center. Wala raw itong balak mag-artista.
Pero si Bodie (Elmo Jeremiah), na graduate ng computer science, ay may posisyon sa isang malaking computer company nang sumali ito sa Pinoy Big Brother (PBB) ng ABS-CBN, sa Season 2, nung 2007.
Si Djanin (Dionina Saraiah) naman ay graduate last year ng business management sa De La Salle University.
SHOWBIZ OPPORTUNITIES. Hindi na raw nakabalik si Bodie sa dating trabaho pagkatapos ng PBB dahil binigyan siya ng mga proyekto ng ABS-CBN at naging Star Magic talent din siya.
Pero ngayon ay Kapuso talent na ang binata, at sa launch ng Studio 5 ng GMA Network Center, nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), noong Tuesday, September 7.
Kuwento ng binata, "Naisip ko po, kung babalik muli ako sa dating trabaho, panibago na namang pakikisama. 'Saka lumipat na rin po ako sa GMA Network, at first project ko sa kanila ang action-drama na Zorro with Richard [Gutierrez], at nakapag-guest din ako sa ibang drama series ng GMA.
"Then, nag-sign na rin ako, kami po ni Djanin, sa GMA Artist Center. Nag-host din kami ni Paolo Paraiso ng Bluffing with Paolo & Bodie for two seasons sa Q Channel 11...
"Dito sa Grazilda, ako po si Ben, ang nakatatandang kapatid at best friend ni Eric [Geoff Eigenmann], na hingahan niya ng sama ng loob. Pero wala po kaming costume ni Geoff kasi kami ang nasa mortal world sa paglipat ni Grazilda [Glaiza de Castro] from Fantasia.
"Sa Lunes, September 13, pa po kami magsisimulang mag-taping, iyong cast ng nasa mortal world."
Bodie turned 25 last September 8. Sa ngayon ay wala raw siyang girlfriend. "Ini-enjoy-enjoy ko lamang ang buhay ko at focus muna sa trabaho," aniya.
STEPPING-STONE. Si Djanin naman ay di raw pinangarap na maging artista.
"Kaga-graduate ko pa nga po lamang noon. Kaya sabi ni Mama, magpahinga daw muna ako, saka na ako magtrabaho, kasi po trimester kami sa La Salle.






What about his popular ka-loveteam in the 70s? Mukhang kabaligtaran ng nangyari sa buhay ni Pip.
Life is really about the decisions one makes. Kahit ano pang fame and fortune na dumating sa tao, kapag marunong mag-alaga ng biyaya ay nagiging maayos ang buhay. Tirso Cruz III is a perfect example of this.
tagtuyot na sa kapamilya.
at kung gusto mong sunod2 ang projects
mo kailangang maging lover ka ng
executives. kadiri!