Jennylyn Mercado on closeness of Patrick Garcia to their son: "Sana magtuloy-tuloy na rin ang masayang pagsasama nila."

Rose Garcia
Thursday, November 18, 2010 @ 06:16PM  |  13431 views


"Sana magtuloy-tuloy na rin ang masayang pagsasama nila. I'm willing to... I'm willing to try. Siguro, ibibigay ko rin ang makakaya ko para maging normal ang paglaki ni Jazz. Lahat naman ng ito ginagawa ko para sa anak ko," says Jennylyn Mercado about the closeness of ex-boyfriend Patrick Garcia to their son.

Photo By: Noel Orsal













Si Jennlyn Mercado ang featured guest sa "Behind The Wall" segment ng Showbiz Central kahapon, September 26.

Two months nang hindi masyadong visible si Jennylyn dahil tumutok siya sa shooting ng kanyang pelikulang Rosario, na entry sa 2010 Metro Manila Film Festival.

Pero mapapanood na rin siya ulit ng kanyang mga tagahanga sa upcoming soap ng GMA-7, ang Paano Ba ang Maging Isang Ina?.

Sa Behind The Wall ay tatlong informants ang magtatanong kay Jennylyn, at sa bandang huli ay kailangan niyang mahulaan kung sino-sino ang mga ito.

Ang unang informant ay nagsabing alam daw nito ang halos lahat ng naging relasyon ni Jennylyn. Ang second informant naman ay nagsabing marami raw silang things in common ni Jennylyn. Ang third informant ay nagsabing naging malaking parte siya sa isa sa malaking challenge sa buhay ni Jennylyn.

SELOSAN. Ang tanong ng first informant: Nagseselos ba ang boyfriend niyang si Dennis Trillo ngayong close na silang muli ni Patrick Garcia, ang kanyang ex-boyfriend at ang ama ng kanyang anak?

"Si Dennis naman kasi, alam niya ang pinagdadaanan ko," sabi ni Jennylyn. "Kumbaga, na-experience niya na rin kasi kung anuman ang pinagdadaanan ko ngayon.

"Kaya lahat ng bagay na nangyari sa buhay ko, naiintindihan niya kung bakit ko ginawa ito, kung bakit ko ginagawa. Naiintindihan niya, at very understanding naman si Dennis sa lahat ng desisyon ko."

Follow-up question naman ng co-host na si Raymond Gutierrez kay Jennylyn: Hindi ba kinukuwestiyon ni Dennis na madalas silang magkausap ni Patrick ngayon?

"Hindi naman, hindi naman. Alam naman niya na ginagawa namin yun para kay [Alex] Jazz, para naman normal na lumaki yung bata," sagot ng young actress.

PATRICK AS A FATHER. Kumusta naman sila ni Patrick at ano ang mga bagay na ginagawa nila together?

"Schedule ni Jazz... Kasi, nag-aaral na si Jazz. Yung schedule niya... Siya ang nagpi-pick-up sa house. Susunduin niya, then dadalhin niya sa school, tapos ibabalik niya ulit sa house.

"Tapos, may mga schedule na minsan gusto niyang hiramin ng ilang araw. Yun lang naman ang mga napag-uusapan namin," saad ni Jennylyn.

How is Patrick as a father?

"Very, very close na sila ni AJ. Nakakagulat nga na sa igsi ng time na nagkita sila at nagkasama, parang ang tagal na nilang magkasama," nakangiting sabi niya.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

28 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name