Live over the phone, nakausap ng Startalk ang proud parents ni baby Lucho na sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Ramdam na ramdam kahit sa boses at pananalita ng dalawa ang excitement at kaligayahan sa pagdating ng kanilang first biological son na si Lucho.
Ipinanganak ni Judy Ann si baby Lucho noong Huwebes, October 7 sa Asian Hospital.
Unang tanong ni Joey de Leon kay Ryan ay kung nakaka-ilang kuha na ng pictures ito sa kanilang anak dahil alam daw niyang baliw na baliw ito sa kanilang baby boy.
Say naman ni Ryan, "Oo, marami-rami na. Pictures at saka video. Dahil kasama ako sa delivery room. Habang nagle-labor si Juday, hanggang sa lumabas ang bata. Ako rin 'yung nagputol ng umbilical cord, e."
Kuwento ni Joey, alam daw niyang noong una, nag-alangan si Ryan na gawin ang bagay na 'yun. Say pa niya na hindi naman daw ganoon katapang si Ryan at sa kotse lang daw ito matapang. Kaya ang tanong ni Lolit Solis ay hindi ba ito natakot?
"Hindi, e...excited na excited ako. Medyo nanginig ang tuhod, pero, masarap."
Biro naman ni Joey, hindi raw ba nanginig ang tuhod ni Ryan sa sinabi ni Mommy Carol na ang gusto ni Juday, gumawa sila agad ng kasunod ni Lucho?
Natatawang sagot naman ni Ryan, "Eto na nga, nagpa-order na ako ng ilang basket ng balut. Si Juday kasi, biru-biruan namin, hindi nahirapan sa pagbubuntis tapos, pati sa panganganak, hindi rin. "
Kasama ni Juday si Ryan sa pag-attend ng Lamaze classes noong buntis pa ito.
Hirit pa ni Ryan, "Limang ire lang, lumabas na agad. Hindi pala parang sa pelikula na nagsisigawan. May holding hands. Talagang hindi puwedeng iwanan."
Binati ni Judy Ann ng advance 'Happy Birthday 'si Joey kung kaya't nakausap din nito ang dalawang hosts ng Startalk yesterday. Sabay pagkamusta nga sa kalagayan nito ngayon.
Ayon kay Juday, "Medyo ayos na. Recovering. Nakakatayo na. Nakakalakad na ng konti."
Tinanong din ni Joey si Juday kung ano raw ang sinasabi ni Mommy Carol sa naging exchange gifts nila ni Ryan nang makapanganak na siya?
Hindi naman ito ipinagkait ni Juday na malaman ng publiko.
Ayon nga kay Juday, "Actually, hindi naman namin napag-usapan. Nagkataon lang na pareho pala naming iniisip na magbigay ng regalo sa isa't-isa. Si Rye nagbigay ng singsing. Ako po, daddy watch."







dahil dun sa sinabi nya na sagabal ang fans as in nawala ang gana ko sa kanya pa secret silent vaklush pero after the wedding ininterview lahat nang bisita...akala ko ba silent?
ang feeling ko parang nagpapa inggit lang or parang negosyo na ewan nagmukha akong inggit na engot pero basta nawala ang gana ko sa kanya sana magsorry sha dahil its not good for an artist na sabihin sagabal ang fas at ayaw nyang may tumitili hello???
pero sa Buzz, sabi ni Mega: quot;SIS...MOMMY KA NAquot;.
e diba mommy na tlg si Juday kasi nag-ampon sya. dapat ni-qualify ito na biological mom ka na.
pero bakit naging article ito? eh di ba natural naman na gawin ni Ryan iyon dahil siya ay butihing asawa. now, kung hiwalay sila at during the birth ay andoon si ryan, eh mas may substance at value ang story na ito.
pero overall, congratulations pa rin sa kanila.
ang sagot jan kasi inenegosyo pa yan pustahan tayo sa mgasin yan first showing am sure photoshoot na yan ngayun
kaya ikaw ready na sa pera mo kasi di nila ipapakita yan kapag di ka bibili
pustahan tayo business na naman eto, akala ko i silent rin diba sabi ni juday sa kasal nila na sagabal ang fans at ayaw nyang may tumitili? pero after the wedding halos lahat nang bisita initerview at post pa dito sa pep