Last Sunday, November 14, bininyagan na nga ang anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Juan Luis Santos Agoncillo or Baby Lucho.
Si Father Tito Caluag ang nag-officiate ng christening sa Sacred Heart Parish sa Hillsborough, Alabang, at sa isang restaurant naman sa The Fort ginanap ang reception.
Sa Startalk kahapon, November 20, isang exclusive interview ang ginawa ng program co-host na si Joey de Leon kay Ryan habang nasa dressing room sila ng Eat Bulaga. Si Ryan ay co-host sa naturang lunchtime show ng GMA-7.
Ang binyagan ay naging napaka-pribado at halos sikreto sa karamihan, walang kaibahan nang maganap din ang church wedding nina Juday at Ryan.
Ayon nga kay Ryan, "Unang-una po, gusto kong magpasalamat sa staff ng Eat Bulaga, Pinoy Henyo at kay Joey at kay Bossing [Vic Soto] sa ipinambayad namin sa binyag. Marami-raming shower 'yun," biro niya na natatawa.
At dahil pribado nga ang naganap na binyagan, unang tinanong ni Joey kay Ryan ay kung sino-sino ang mga ninong at ninang na kinuha nila para kay Lucho.
Aniya, "'Yung mga ninong at ninang na kinuha namin—si Beth Tamayo, best friend ni Juday. Pero proxy lang kasi, wala siya sa Pilipinas ngayon. Tapos, yung kuya ko, si Kuya Dondi, nag-iisa kong kapatid. Siya ang kinuha naming ninong. Si Yohan kasi, yung panganay namin, puro ang mga ninong at ninang, kay Misis.
"Ngayon, kay Lucho, sa amin naman, sa amin naman nakuha."
Nagawa rin ng mag-asawang Ryan at Juday na hindi muna maipakita or maglabas ng picture ng almost one-month-old nilang baby simula nang maipanganak ito ni Juday noong October 7. Pero tinupad din nila ang promise na pagkabinyag ng bata ay ipapakita at ipapakita na nila ang picture ng anak.
LUCHO HAS RYAN'S EYES. Ang madalas nga raw itanong ay kung sino ang kamukha ni Lucho.
Ayon kay Joey, sa TV raw, si Juday ang kamukha, although sa personal, mas si Ryan naman.
Naniniwala si Joey na magbabago pa rin daw ang features ni Lucho. Sa ngayon, kapansin-pansin lang na ang mata ay kuha kay Ryan.
Natawa si Ryan sabay sabi nang, "bilog na bilog, bright na bright."
Gumigising din ba siya at nag-aalaga sa madaling-araw?
"Sa ngayon, e, moral support support lang ako. Nakikiusyoso lang, nakiki-nerbiyos. Nagbi-breastfeed po kasi."







dati ko pa ito napansin sa wedding nila pinagkait na masulyapan ang kasal
pinakita lang ang pics afterwards pero
sa magazine sobrang pinagpilian kung sinong magbayad nang mahal
hayan sa anak na naman
anong privacy pinagsasabi nila eh pinagpipilian na nga kung sinong magbayad nang mahal sa commercial nang baby luu chuu
Aribabuena
November 22, 2010
17:40 PM
============
101 percent na agree ako sa comment mo. ewan ko ba sa mga tao di2 na ang alam sa buhay ay kanegahan. wala na sigurong positive outlet or source man lang sa buhay nila. ang iba diyan paladasal din pero porjosporsanto yung mga words na lumalabas sa mga isip nila nakakatakot! Iba talaga pag c Lord ay buhay na buhay sa life ng isang tao, ang blessing talagang overflowing, like the Agoncillo family.
donenricos
November 22, 2010
09:54 AM Hindi nga invited ang mga fans ni Regine sa kasal nila, pero at least pinaalam naman nila ang date Dec 22 at place Punta Fuego di tulad ng Mag asawa nayan, lakat ng okasyon nila nililihim, as if may mga career pa sila..wla ngang interesado na mag reporter sa kanilang mag interview eh
========
engot ka tlga..ang gus2 nila regine at ogie, gawing public ang announcement ng wedding nila...eh sa gus2 nila juday at ryan ng private eh...alam mo ba difference ng PRIVATE sa PUBLIC? wala ka pake sa decision nila juday at ryan...tsaka tapos na ang kasal nila kaya move on e ngot...
angela888
November 21, 2010
15:57 PM
Itong si ryan agoncillo ang pa-sosyal masyado, ang problema nasa showbiz na siya tapos asawa pa niya itong si judy ann santos na alam naman natin na nakilala bilang masang-masa o jologs.
===
baka ang pagkakaalam nila sa mga jologs, unruly kaya ayaw nila na may fans nila sa mga special occasions. gusto nila dun lang mga fans nila sa mga shows and movies nila para may mapala naman sila noh? kasi siyempre magbabayad ang mga kawawang fans.