celeb

Gladys Reyes gives birth to third baby at Asian Hospital

by Rose Garcia posted on February 11, 2011  STATS: 7418 Views | 17 Comments


Gladys Reyes has named her baby Grant Carlin Sommereux. "Grant ay hango sa French word meaning 'great,' at Carlin naman ay nangangahulugan ng 'little champion,'" she says.

Photo By: Noel Orsal

Yesterday, November 20, isinilang na ni Gladys Reyes via Caesarean operation ang ikatlong anak nila ng asawang si Christopher Roxas, sa Asian Hospital. 

Sa pamamagitan ng text messaging ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gladys early this morning.

Ayon nga sa aktres, her third baby was born yesterday morning.

"Ang name niya is Grant Carlin Sommereux.  He was born at exactly 9:36 AM at Asian Hospital.  He weighs 6.8 lbs and 50 cms long."

Sinabi nito na ang Grant, ang first name ng baby nila, ay hango sa French word meaning "great," at ang Carlin naman ay nangangahulugan ng "little champion."

Nang tanungin namin si Gladys kung sino sa tingin niya ang kamukha ni Grant, walang pag-aatubiling sinabi nito na obvious raw na ang ama ang kamukha nito.

Aniya, "Obvious naman po kung sino ang kamukha.  Sa lahat yata ng anak namin, itong si Grant ang pinaka-kamukha ni Christopher."

Feel-na-feel naman raw ng two older children nila na sina Christophe at Aquisha ang pagkakaroon ng additional member in the family.

Sabi nga ni Gladys, "Mga kuya at ate na sila."

Simula pa sa panganay na anak na si Christophe ay through caesarean operation na kung manganak si Gladys. 

Aniya, ""From the start, CS na talaga ako kaya wala akong trauma sa panganganak.  Walang labor.  Naka-sked na agad.  Yung O.B. ko, yun pa rin, si Dra. Madeline Florendo."

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

17 Comments

  • 17  chika2011

    02/27/2011 | 09:58 AM
    matagal pinakita yung baby ni juday para lalong maatat ang mga tao. di ba ganyan naman strategy mga artista at baka may magbayad ng fee para sa pic nung bata
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pusotisipmo

    11/23/2010 | 10:39 PM
    kakatuwa naman pati sa pagbubuntis nagsabay pa si galdys at juday,,wahahah.bestfren tlaga!hehehe...well..saludo naman ako kina christhoper at galdys sa pagiging mabuting ina at ama o asawa nila,,tutok din sila sa paglaki ng maayos ang mga anak nila,,diba,,so,,sana tlaga,,lahat nalang maka pag build ng strong christian family diba,,,importante kase now iyan lalo na pahirap ng pahirap ang buhay at pabaliw ng pabaliw ang mundo,,,sana ang baby ni ROXANE GUINOO ipakita dito,,im sure cute iyon,,congrats agen,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  babebibobu

    11/23/2010 | 10:24 AM
    13
    dos_ako
    November 21, 2010
    23:27 PM

    problem sa kanya walang trabaho ang asawa..

    ========
    i think may business sila. yung sa sknin care, tama ba? nawala na lang kasi ang interes ng tao kasi hindi naman ganun kalakas ang appeal nya sa harap camera kaya siguro hindi na nabibigyan ng projects sa showbiz. oh, well...basta good luck na lang sa kanila at sa mga babies :}
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  pretty_18

    11/22/2010 | 11:36 PM
    Gusto ko ang feeling ang CS lahat d2 mga friends ko mga normal delivery sila mas safe daw sa bata at sa mommy or mas healthy. In fairness ang sikat pa rin ni Gladys kahit 3 baby na ganda pa rin niya parang ako hehehehe.....Basta mga Bisaya mga magaganda ang beauty.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  daffodils87

    11/22/2010 | 12:06 AM
    Congratulations Gladys and Family!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  dos_ako

    11/21/2010 | 11:27 PM
    problem sa kanya walang trabaho ang asawa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  pepato

    11/21/2010 | 09:32 PM
    Congrats!!! =D
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  paminchever4u

    11/21/2010 | 08:05 PM
    congrats!

    makakapag sample!!! sample!!! na naman si gladys sa showtime... =
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • EclecticFan

    11/21/2010 | 07:51 PM
    Congratulations Ms Gladys!!! Napanood kita kagabi sa Talentadong Pinoy ang ganda ganda mo po ngayun!!! More Power!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • fatedtoloveyou25

    11/21/2010 | 07:50 PM
    daming nega..pati batang walang malay eh patulan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sasha19

    11/21/2010 | 06:12 PM
    Congratulations! Im sure Baby Grant and Baby Lucho will grow up together as buddies
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamz_australia99

    11/21/2010 | 04:35 PM
    sana mgka project pag laki ng anak nila ni juday...ipamana ang best bida-kontrabida tandem! haha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • haynaku2010

    11/21/2010 | 03:41 PM
    bkit c juday ang tagal tagal ipakita ang baby eh c gladys no problem, ipinakita agad? cguro natagalan ayusan ang baby, hehe..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • comment_ko_ito

    11/21/2010 | 03:22 PM
    wow! congrats...new angel nnman...get well soon gladys...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • bruth

    11/21/2010 | 03:12 PM
    super CUTE ng anak mo...mas cute kesa l LUCHO...tagal pang pinakita....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kulitkulitko

    11/21/2010 | 02:42 PM
    congatulations, taray queen!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winona01

    11/21/2010 | 02:32 PM
    congrats!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About