Excited na ang bida ng top-rating GMA-7 telefantasya na Grazilda na si Glaiza de Castro dahil matutupad ang dream niya na mag-Pasko sila ng kanyang pamilya sa bago nilang bahay.
Sa taping set ng Grazilda sa Sta. Mesa, Manila, noong Biyernes, December 3, ikinuwento ni Glaiza sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na marami nang Christmas decorations ang kanilang bagong bahay. Tuwing uuwi nga raw siya ay natutuwa siyang may nakikitang bago sa loob at labas ng kanilang bahay.
"Si Mommy kasi ang punong-abala sa pag-decorate ng house. Wala kasi akong time na tulungan siya dahil almost every day ang taping namin for Grazilda.
"Kapag nakakauwi nga ako, kahit pagod at inaantok ako, nagigising ako kasi nakikita ko yung mga nilalagay na decorations ni Mommy.
"Natutuwa ako, kasi noon, hindi kami makapag-decorate ng gano'n sa dating bahay namin sa Valenzuela.
"Ngayon, kahit na anong decorations, nailalagay na namin kasi babagay na. Kaya kapag pumunta kayo sa bahay, Paskung-Pasko na talaga.
"At yun nga, dream ko na mag-Pasko sa bagong bahay at natupad nga 'yon para sa amin this year," nakangiting lahad ng Kapuso actress.
BLESSINGS THIS YEAR. Tiyak na mas magiging bongga ang Pasko ni Glaiza dahil sobra-sobra ang blessing na dumating sa kanya ngayong taon. Sunud-sunod ang naging shows niya at nabigyan siya ng pagkakataon na maging bida sa Grazilda this year.
"Mas masagana tayo ngayong taon kasi nga, nakailang shows din ako," sambit niya.
"Ginawa ko ang Stairway to Heaven, Diva, Laff En Rol, Party Pilipinas, at itong Grazilda.
"Masasabi ko na mas merry ang Christmas naming pamilya kasi sunud-sunod ang mga biyaya na bigay ni Lord.
"Noon kasi, simple lang talaga ang Pasko namin sa Valenzuela. Kami-kami lang naman, tapos hindi nawawala ang mga luto ni Mommy.
"Kapag may mga naging shows naman ako sa taong 'yon, nakakapag-ipon ako at nakakapagbigay ako para sa Noche Buena at nakakabili ako ng pang-regalo sa family ko.
"Importante kasi ay sama-sama kami sa Pasko.
"Ngayon kasi, mas blessed tayo kaya yung mga inaasam ko noon na ihanda sa Noche Buena ay maihahanda na sa lamesa namin.







pero infernez, hindi sila mukhang mayaman no? at least ang mga kapuso, di mayayabang pero hindi naman mukhang naghihirap. LOL!
glaiza rose from the ranks and through sheer talent and determination, she now has a house she calls her own. now, how many 20 something could claim that they bought a house for their family?
mabuhay ka kapuso!
Excuse me....me bahay na ako at sasakyan!!! gusto mo ipadala ko pa sa yo documents? bakit ano bang masama kung magtaka kung katagal na nya ngayon pa lng sya nakapagpagawa? Ikaw ang baklang pordoy na fanatic sa kung sinu sino at anu ano!
kaw? may sarili ka bang bahay?
puckerlips
isa pa tong certified fantard ng estasyon niya. hoy bakla, magbago ka na!
CONGRATS GLAIZA!