celeb

2010 was a tough year for Sunshine Cruz and family
by Bong Godinez posted on May 14, 2011  STATS: 11600 Views | 6 Comments


  Actress Sunshine Cruz doesn't mind observing Valentine's Day even with a simple celebration. "What's important is that we're with our loved ones," says Sunshine.

Photo By: Noel Orsal

Isa si Sunshine Cruz sa mga artista na dumating sa BlackBerry event na ginanap noong nakaraang Linggo, February 6, sa Activity Center ng TriNoma Mall sa Quezon City.

Aminado si Sunshine na avid user siya ng nasabing mobile phone  dahil na rin sa mga features nito na nagagamit niya para ma-access niya ang mga social networking sites katulad ng Twitter at Facebook.

Kilalang mahilig mag-post ng kanyang mga mensahe si Sunshine sa Twitter at ito na rin bale ang nagsisilbing tulay niya sa mga kaibigan, kasamang artista sa industriya, at ilang tagahanga.

During the actual program na pinamunuan ni Kris Aquino ay naikuwento ng aktres na madalas silang magtawagan sa telepono ng kanyang asawa na si Cesar Montano. Mahilig din silang magkuhaan ng pictures gamit ang kanilang mga telepono.

FULL OF SURPRISES. At the time of the interview ay hindi pa raw alam ni Sunshine kung ano ang gagawin nila ni Cesar for Valentine's Day.

"My husband is full of surprises," ngiti ni Sunshine. "Pero I'm sure meron 'yong something [for Valentine's].

"Pero it doesn't matter naman, e. Kahit simple lang at nasa bahay lang kami, kahit na mag-wine lang kami sa bahay—what's important is we're with our loved ones."

Kadalasan daw ay nagdi-dinner sila ni Cesar tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso. Nakaugalian na nilang mag-asawa ang maglaan ng espesyal na oras tuwing hapon kasama ang mga anak.

"Then night time, we spend it as a couple, 'yong kami lang dalawa. Kung saan 'yong favorite resto ko, we'll have dinner there together, and then pagdating sa bahay, magbubukas siya ng mga pinagkakatagong wine niya!" natatawang kuwento ni Sunshine.

A STRONG PERSON. Nakabawi na si Cesar mula sa kanyang pagkatalo sa nagdaang eleksiyon, ayon kay Sunshine.

Tumakbo ang aktor noong May 2010 elections bilang governor ng Bohol sa ilalim ng Liberal Party ngunit natalo kay former Congressman Edgar Chatto.

Dalawang buwan bago ang halalan ay binawian ng anak si Cesar matapos na magbaril si Christian Angelo sa loob ng kanilang tahanan sa Tivole Royale subdivision sa Quezon City dahil diumano sa problema nito sa pag-ibig.

Si Christian Angelo ay ang pangalawang anak ni Cesar sa kanyang unang asawa.

Aminado si Sunshine na hindi naging madali para sa kanilang pamilya ang nagdaang taon dahil sa mga nangyari.

"Last year was medyo makulay and tough for us," banggit ni Sunshine.

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

6 Comments

  • loving_loving

    07/12/2011 | 11:48 PM
    mabuting ina, step-mom at wonderful wife. napakablessed ni buboy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pinaypai

    02/12/2011 | 01:45 PM
    she's even a good step-mom to her step-daughter and step-sons... kaya nalampasan nila ang nga pagsubok dahil malapit sila sa Panginoon. at si shine mas priority niya ang family niya no wonder nagiging mas matatag ang mag sasama nila ni buboy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamilyaito

    02/12/2011 | 12:19 AM
    She seems to be a good wife and mother. Gusto ko sya at maganda parin sya. God bless your family!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • misswa

    02/11/2011 | 11:22 PM
    she's beautiful
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lawrenzo

    02/11/2011 | 11:05 PM
    God bless you and your family.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • simplynice2010

    02/11/2011 | 09:39 PM
    maganda ka pa rin....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About