Sunshine Dizon plans to return to acting after giving birth

John Fontanilla
Friday, May 27, 2011 @ 12:44AM  |  100 views


For Sunshine Dizon, family comes first. But being a child of showbiz (she landed her first screen role when she was 3 years old), she cannot turn her back on acting. "Siyempre aalagaan ko muna yung baby ko. Pero siguro kung mga five months na, baka puwede na akong tumanggap ng projects," she says.

Photo By: Noel Orsal













Isang maganda at masayang Sunshine Dizon ang nadatnan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang baby shower na in-organize ng kanyang kaibigang si Girlie Sevilla last February 19, Saturday, sa Conti's Katipunan, Quezon City.

"Ang laki-laki ko tingnan kasi seven-and-a-half months na ang tiyan ko. Sabi nga nila, ang laki-laki ko daw magbuntis, ang laking babae daw yung baby ko!" natatawang sabi ni Sunshine.

Nakatakdang isilang ni Sunshine ang unang anak niya with husband Timothy Tan sa Abril. 

"Bale April 28 ang due date ko," banggit niya. "Pero until now, wala pa nga kami naiisip na pangalan ni Tim. Ewan ko, hindi ko pa talaga alam.

"May mga names kami in mind, pero yung talagang ipapangalan namin sa baby namin, wala pa talaga. Baka last minute na lang."

Hindi ba sila yung tipo ng mag-asawa na nagko-combine ng pangalan? 

"Wala, e, hindi naman. Basta ang gusto lang ni Tim, two names. Ako kasi, kung ano siguro yung name na gusto niya, at gusto ko rin, yun yung ipapangalan namin sa baby."

Habang palapit nang palapit ba ang due date niya ay mas lalo siyang na-e-excite na makita at mayakap na ang baby niya?

"Oo naman, pareho kami ni Tim, gustung-gusto na talaga namin siyang makita. Yun nga lang, pag malapit ka nang manganak, feeling ko parang bumabalik yung time na naglilihi ka. Palagi akong nasusuka, parang laging naiipit na yung sikmura mo at kung anu-ano pa ang nararamdaman ko. Masakit sa likod, masakit sa legs, parang ganun."

Ngayong less than two months na lang ay manganganak na siya, hindi na ba siya puwedeng mag-travel nang malayo?

"Okey lang naman, pero kami na lang yung medyo nag-iingat. Lalo na kapag baku-bako yung dadaanan at malayo yung biyahe, hindi na lang ako sumasama. Ingat na rin para sa baby. Pero kung okey naman yung daan at malapit lang nama,  sumasama ako kay Tim bumiyahe."

Bumili na ba sila ng mga gamit ng magiging baby girl nila?

"As of now, nag-order na kami ni Tim ng mga gamit para sa baby namin na magmumula pa sa States, mula sa play pen, stroller... Lahat yun in-order namin ni Tim sa States, in-order ni Tim dun sa friend niya isi-ship na lang dito.

"Yung ibang gamit naman na nabili ko, yung mga kimono na white, sterilizer... Hindi pa talaga super kumpleto kasi yung dad ko, hinihintay ko ding umuwi. Katulad niyan, may mga friends na magrerega-regalo.

"Sa amin kasi, dahan-dahan lang sa pagbili kasi mabilis lumaki ang baby. Pero minsan, ako kasi kung anong makita, parang gusto kong bilhin kahit hindi kailangan. Tapos yung ibang gamit, pinabili ko sa daddy ko sa States."

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name