Dawn Zulueta's kids not allowed to watch her new teleserye: "They will not understand watching me na inaapi."

Rey Pumaloy
Friday, July 15, 2011 @ 07:16PM  |  7845 views


  In the ABS-CBN remake of the serye, Mula sa Puso, Dawn Zulueta plays the role of the underdog, Magda, while Eula Valdes plays the all-out kontrabida, Selena.

Photo By: Noel Orsal













Sa pagbabalik ni Dawn Zulueta sa telebisyon via the remake of Mula Sa Puso ng ABS-CBN, kitang-kita sa trailer pa lang ng serye ang apoy sa mga confrontation scenes nila ni Eula Valdes.

Sa serye, ang underdog na si Magda ang papel na ginagampanan ni Dawn, samantalang ang all-out kontrabida na si Selena naman ang natoka kay Eula.

Si Jaclyn Jose ang unang gumanap sa papel na Magda, at si Princess Punzalan naman, sa papel na Selena.

Komo nga umaapoy sa tensyon ang eksena nina Dawn at Eula sa trailer-teaser pa lang ng soap, natanong ng PEP si Dawn kung may effort ba na magpagalingan silang dalawa ng huli?

"Kami kasi, we appreciate kasi how meaty...the roles [are] for us.  All we really need to do is just do our part. And if we do our part well, then we complement each other's performances. Doon lang kami nakatutok. It's not so much the competition how to outdo the others, kasi we're completely opposite poles in terms of the roles. So, for as long as we do our parts correctly, then hindi lang kami ang masaya kundi yung mga manonood and yung mga boss namin sa ABS CBN," paliwanag ni Dawn.

Sa presscon proper, pinuri ni Dawn ang galing ng Kapamilya Network pagdating sa technical aspects ng paggawa ng serye. Binanggit ni Dawn ang mga high-tech na kamera, klase ng ilaw, at iba pang equipment na ginagamit sa show. Sabi pa niya, iba ang look ng mga shows ng ABS-CBN, at gumaganda raw tuloy ang mga artistang lumalabas dito.

Intriguing ang mga pahayag ni Dawn tungkol sa ABS-CBN dahil nagtrabaho siya sa GMA-7 bago siya nagbuntis sa kanyang second child.

Noong matanong si Dawn tungkol dito, agad na nilinaw ng aktres na wala siyang gustong patamaang network sa kanyang pagbanggit sa mga katangian ng Kapamilya network.

Natanong tuloy si Dawn kung may sama ba siya ng loob sa GMA-7, ang Kapuso Network, kaya ganoon na lang ang papuri niya sa ABS-CBN.

"No, wala. Hindi ganon yun.  Please, huwag ninyong kulayan. Ang sinasabi ko lang, if you compare—'cause I do and I switch channels—nakikita naman ninyo yung brilyo.  Iba ang brilyo pag nanonood ka, iba ang register sa ABS. Yun lang ang napansin ko.

"Siyempre, it's always good to be a part of a network na alam mo ang facilities nila. Everything has improved, become high-tech—their cameras. Siyempre, kaming mga artista, technical kami.  Totoo na pag napanood mo ang sarili mo, mas maganda ako dito," paglilinaw niya.

THE PERSONAL AND THE PROFESSIONAL. Aprubado raw ng asawa niyang si Congressman Anton Lagdameo ang kanyang pagbabalik showbiz.

"Okey lang naman kasi part of the deal. Ang deal naman kasi is, if I'm coming back to work, I only work for three days in a week. Meron naman akong cut-off time. Okey lang naman yun sa kanya.

"Basta, I still have time for the kids at hindi ako masyadong napapagod," saad niya.

Nakakapanibago ba ang muling pagbabalik sa pagganap?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

21 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name