celeb

Cesar Montano gives full support to son Diego's showbiz career

by Glen P. Sibonga posted on July 25, 2011  STATS: 7182 Views | 38 Comments


  "Ayokong maging kontrabida sa buhay niya. Mas gusto ko ng maging father na magsu-support sa kanya. Kung ano yung gusto niya at sa tingin ko ay hindi naman makakasama sa kanya, like itong pag-aartista, go, go ahead. I will support him all the way," says Cesar Montano about son Diego Loyzaga (inset).

Photo By: Glen P. Sibonga / ABS-CBN

Supportive dad.

Iyan si Cesar Montano sa kanyang anak na si Diego Loyzaga ngayong pumasok na rin ito sa showbiz.

Si Diego ay anak ni Cesar sa dating aktres na si Teresa Loyzaga bago pa ikinasal ang aktor kay Sunshine Cruz noong 2000. Sa Australia lumaki ang 15-year-old na ngayong si Diego, kasama ni Teresa.

Napapanood ang baguhang aktor bilang dagdag na tauhan sa top-rating teleserye ng ABS-CBN, ang Mara Clara.

Ani Cesar, "Nandito lang ako as a father, as an acting coach kasi pumasok na rin siya sa pag-arte. Wala na akong choice kundi maging acting coach. Nadagdagan tuloy ang career ko, sa kanya.

"Dati kasi nagdi-discuss lang kami about acting. Now, open yung telepono ko basta tumawag siya at may itatanong siya regarding acting. Kailangang i-guide ko siya. Nandito lang ako always para suportahan at i-guide siya."

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa launching ng bago niyang self-titled solo album under Sony Music Entertainment na ginanap kanina, April 6, sa Bellissimo restaurant na pag-aari ng actor-singer sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Kung si Cesar ang masusunod, ayaw muna niyang pag-artistahin si Diego dahil gusto niyang pagtuunan ng pansin ng anak ang pag-aaral.

"Well, ayoko, kasi mahirap yung papasukin niya, which is to study in Ateneo, and it's not easy to take... Kahit sino ang tanungin natin, hindi po madaling kumuha ng entrance exam sa Ateneo. And I want him to prepare for that sana.

"Ngayong pumasok siya sa pag-aartista, well, full support na ako sa kanya. Sabi ko, sige, sa college tingnan natin. Tutal meron namang review center for entrance exam. Yun na lang ang gagawin niya.

"He promised me naman na pagbubutihan niya naman ang pag-aaral niya in spite of heavy schedule sa pag-aartista. 'Sige,' sabi ko, 'pagbutihan mo lang,'" saad ni Cesar.

Nagkaroon ba sila ng conflict ni Teresa tungkol sa isyu na ito?

"No, hindi naman conflict, as in pag-aaway. But majority sila, e. Ako, ayoko, e. Silang dalawa, gusto nila, e. Wala tayong magawa, su-support na lang ako diyan.

"Pero kung ako ang papipiliin, huwag muna sana because, as far as I know, any time puwede siyang pumasok sa pag-aartista."

DISCIPLINING DIEGO. Nilinaw rin ni Cesar ang isyu na diumano'y nahihirapan siyang disiplinahin si Diego.

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

38 Comments

  • 38  Xray

    07/27/2011 | 11:35 AM
    yes, please oh please, teach your son how to act and speak tagalog, because he's so awkward!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  kapamilyaito

    04/08/2011 | 12:02 PM
    26 infairness magaling si teresa na character actress ala cherrie gil dahil sophistocated sya. More workshops para kay diego. Sa ngayon wag tayo umasa dahil wala pang ibubuga talaga sa acting. Madedevelop pa naman yan. Pa coach sya sa father nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  Darlings

    04/08/2011 | 01:09 AM
    26 botsing, dioz ko daaay. Hindi mala Nora Aunor ang acting ni Teresa but nakita ko siya sa ilang movies before and in fairness to her, she can act and in addition, she is an excellent singer. Well ganun talaga pag-artista ang mga magulang, karamihan sa mga anak ay gusto rin maging artista. Yan ang palaging nakikita nila at nasa dugo nila talaga iyon. Kahit nga sa Hollywood, nangyayari iyan as in the case of Kate Hudson-Goldie Hawn, Martin Sheen-Charlie Sheen, Emilio Estevez, at marami pang iba. Mas grabe pa nga ang pressure sa mga anak ng artista because although doors will be opened for them, there's always that comparison to their famous parents.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  Nurse26

    04/08/2011 | 12:57 AM
    Nabasa ko na Diego Loyzaga grew up pala in Australia with his mom so this explains pala kung bakit hirap siya sa mga dialog niya sa Mara Clara which clearly affected his acting. But I can see much potential for this boy to make it big in showbiz. Very Charismatic, blessed with good looks at may appeal talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  showbizdak

    04/07/2011 | 05:27 PM
    walang screen presence at so far di marunong umarte. double whammy. tapos pag di seseryosohin pag-aaral. triple whammy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  snowsheen

    04/07/2011 | 04:44 PM
    on second thought... guapo pala siya sa ibang pictures niya sa google. chaka siya dito sa picture na to. sorry, di kasi ako nanonood ng mara clara so i haven't seen him pa sa tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  snowsheen

    04/07/2011 | 04:35 PM
    hmm.. parang hindi guapo. siguro kung hindi anak ni cesar to, baka di ito magiging artista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  jonana_1313

    04/07/2011 | 03:10 PM
    ...akala ko yung Diego sa Bubble Gang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  Jamsan

    04/07/2011 | 01:36 PM
    More workshops and lalabas ang husay ng batang ito. But for now, hindi magaling ang pag acting nya sa Mara Clara.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  urbie24

    04/07/2011 | 12:54 PM
    Guwapo ang bata pero dapat bago isinalang at pinagworkshop muna. May pag-asa pa sana lang di minadali ang paglabas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  pakiss_muna

    04/07/2011 | 09:53 AM
    kaya nga sinabi d2 na sa australia sya lumaki kaya hirap magtagalog eh hahah naalala ko dati sobrang naiyak si teresa loyzaga kc di kinilala ni cesar si diego na anak nya kaya laking tampo ni teresa at dinala ang bata sa australia,ngayon na lumaki na aba kinilala na pala nya hehhe si cesar oki aura at dating sa tv o picture peru in person sobrang ordinary nya kc magkatabi kami sa US EMBASSY dati nag antay sa number nmin binulong ko sa asawa ko na action star yang katabi natin di makapaniwala si hubby ko artista ba dw yun si cesar nga but in fairness isa sya sa pinakamagaling na actor ng bansa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  yanzee

    04/07/2011 | 08:51 AM
    no. 24. i agree... parang tuod nga akting nya para pang inaantok. dapat workshop muna bago isabak. pansin ko nga di nya maayos mabigkas ang salita tagalog parang di sya lumaki dito sa pilipinas
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  botsing

    04/07/2011 | 08:48 AM
    sus magaling daw si theresa?bakit kya mga anak ng magagaling na artista bokya umarte like jeoff eigenmman,rap fernandez at itong c diego?me nabasa ako mag aartista na rin daw c gabriel anak ni boyet,magaling daw itong umarte,naisama na daw sa isang episode ng mmk ng ch.2.maging c boyet daw namangha sa galing ng anak,mganda pa daw boses nito me ibubuga sa pagkanta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  rom_05

    04/07/2011 | 08:47 AM
    kaya siguro sinabak agad si diego sa mara clara para dagdag publicity. I dont watch the show pero I checked it out just to see kung kamukha ba ni Cesar ang anak nya. I agree he needs more workshop pero infairness maganda ang quality ng boses nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  kapamilyaito

    04/07/2011 | 08:39 AM
    15 constructive critisism ang tawag sa sinabi ko at hindi nega. Panoorin mo rin kasi para malaman mo yung napapansin ng tao. Excuse me pero sa natatandaan ko galing sa entablado si cesar montano kaya unang sabak bilang artista ay mahusay na. Totoo namang hilaw pa pero kagaya ng sinabi ko gwapo sya. Kailangang hasain pa and sigurado lalabas ang kagalingan dahil parehong magaling na artista ang mga magulang nya. Peace.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  Nurse26

    04/07/2011 | 06:40 AM
    Kahangahanga talagang mga magulang si Cesar at Teresa, kahit hindi sila nagkatuluyan and they have different opinions sa desisyon ng anak nila to join showbiz, united at solid front parin silang dalawa sa pag-suporta kay Diego in his chosen endeavor. Maganda ito para sa confidence at self-esteem ng anak nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  astrodeus

    04/07/2011 | 06:19 AM
    sana naman hindi lang acting coach ang maging role ni Cesar sa anak niya kundi life coach na rin... i mean, bukas din sana ang phone niya para sa emotional needs ni Diego kasi matagal din silang hindi nagkasama, to cope up for times na physically absent siya during childhood years ng huli... sana mag-bonding sila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  astrodeus

    04/07/2011 | 06:16 AM
    The kid can act because it is in his blood, kaya lang hindi pa masyado nadi-develop. He needs more acting workshops and Mara Clara will serve as acting vehicle for him. Let us give him a chance tutal bago pa naman siya. Gwapo ang bata at malakas ang dating pero mas gusto ko pa rin ang looks ni Cesar Montano, pinoy na pinoy... hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  kardashians

    04/07/2011 | 06:06 AM
    Post no.17 In my opinion, no one is born naturally talented, it comes from being exposed to a certain environment earlier than another individual. Beethoven wasn't Beethoven just for being talented. It came from years of practice. To really be successful in showbiz you have to have that X-FACTOR, CHARISMA, PASSION plus the STRONG DETERMINATION TO SUCCEED, WILLINGNESS TO WORK VERY HARD TO FURTHER ENHANCE YOUR TALENT and the RIGHT SUPPORT SYSTEM!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  kardashians

    04/07/2011 | 05:41 AM
    I finally saw this Diego Loyzaga on Mara Clara and I think he did really well considering he is a true newcomer to showbiz unlike the other teen stars who already had experience in kiddie shows like Going Bulilit or guest appearances in various drama shows in small supporting roles. I could imagine the immense pressure for this 15 year old to have his first acting gig on the the number one tv show on primetime in the country today but he handled everything really well.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About