It's a baby boy for Krista Ranillo and Niño Jefferson Lim!
Ayon sa report ng StarTalk TX kahapon April 9, Sabado, ito ang nakalathala sa FunFare column ni Ricky Lo sa Philippine Star. Ayon sa ulat ng StarTalk TX host, isang baby boy ang isinilang ni Krista through normal delivery sa isang ospital sa California nitong April 5.
Ang sanggol ay papangalanang Nick Jacob o NJ bilang initials ng totoong pangalan ng asawa ni Krista na si Niño Jefferson Lim.
Baby NJ weighed 8.6 pounds and measured 20 inches long at birth. Ipinagmamalaki ni Krista na bini-breastfeed niya ang kanilang baby.
At sa phone conversation nina Mr. Lo at Krista, tinanong ni Mr. Lo kung bakit nag-decide si Krista na normal delivery at hindi Caesarean ang panganganak niya?
"Actually pinipilit ko talaga na normal delivery and then hindi na-anticipate namin noong... ni Dr. Reyes, yung doctor ko na ganun pala siya kalaki!
"Tapos yung posisyon pa niya imbes na dapat yata naka-dapa or something, paharap siya, gusto niya talaga lumabas siya, makikita niya lahat ng mga tao, parang ganun," ang natatawang kuwento ni Krista.
"Parang baligtad yung position niya."
Ilang oras siyang nag-labor?
"Yung labor actually mas madali, parang mga five hours lang, pero yung delivery, sabi niya (her doctor) kung hindi ganun yung position mas mabilis, mga one hour-and-a-half.
"Pero sinabi niya, for a first-timer daw, masuwerte ako na mabilis lang for me."
Nasa tabi ba ni Krista ang asawa niya nang nanganak siya?
"Yes andun siya! Sobrang okay nga siya, very supportive, siya yung nagbibilang, 'Push! Push!' gumaganun siya.
"Then after kong manganak, yung mga kasama namin sa ospital, yung mga kasabay, [sabi nila] 'I thought your husband was the one giving birth!'"
Pinaghandaan daw ni Krista ang kanyang pagbubuntis, tulad ng pagbabasa ng mga books about pregnancy.





0

