"Ngayon po, parang clear na naman lahat, siguradong-sigurado na rin naman kami... it's true, Ogie and I might have a baby. And it's a happy birthday gift for me and for my husband," says Regine Velasquez confirming rumors that she's pregnant with her first child with Ogie Alcasid.

Photo: Noel Orsal

"Totoo po na Ogie and I are going to have a baby."

Ito ang naging kumpirmasyon ni Regine sa isang video message na ipinakita sa Party Pilipinas kanina, Abril 17.

"Marami na po kayong naririnig pero siyempre, mas maganda na sa amin na mismo manggaling kung ano na talaga ang nangyayari," dagdag pa ng Asia's Songbird.

Pagkatapos nito ay humingi ng paumanhin si Regine sa pananatiling tahimik nila ng kanyang asawang si Ogie Alcasid sa kabila ng malakas na bulung-bulungang nagdadalang-tao na siya.

Matatandaan na inilabas pa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang dalawang linggo na five weeks pregnant na si Regine.

"Nais ko pong humingi ng paumanhin sa aming mga kaibigan, sa press people. Pasensya na po kayo at hindi po namin agad sinabi. Hindi naman po sa nililihim namin, plus, I was always getting sick. Kaya minabuti po namin muna na huwag magsalita para maayos ko muna ang sarili ko at iba pang bagay na kailangang ayusin.

"Ngayon po, parang clear na naman lahat, siguradong-sigurado na rin naman kami... it's true, Ogie and I might have a baby. And it's a happy birthday gift for me and for my husband."

Magdiriwang ng kanyang ika-41 na kaarawan si Regine sa darating na April 22. At kasabay ng kanyang announcement ay isang birthday tribute ang inihanda ng mga kasama niya sa Party Pilipinas.

Sa video message pa ring ito, nagpasalamat si Regine sa TV executives ng GMA-7 sa pag-unawa sa kanyang kasalukuyang kalagayan.

"Maraming salamat po sa mga bosses namin na talagang inintindi po talaga ang aming sitwasyon. Kasi, ang plano nga po is to finish I Heart You Pare. Unfortunately, I was not able to do that kasi dumating na nga po ang aming bundle of joy.

"Maraming salamat po sa aking mga boss, sa aking ninong at sa aking ninang, na pinayuhan ako talaga na huwag na munang magtrabaho.

"Importante ang kalagayan ko at kalagayan ng baby. It took me a while to finally decide na iwan na nga 'yong show. So ngayon, I'm at home. I'm supposed to be there to celebrate my birthday also but hindi ko po kayang gawin dahil in-advise po ako ng aming doctor to stay in bed for a while. Kasi, medyo hirap po ako sa pagbubuntis."

At para sa kanyang mga kasamahan sa Party Pilipinas, "Maraming salamat sa inyong pasensya kasi lagi na lang akong nag-a-absent.

"Thank you, thank you very much sa mga manonood na naging patient din sa aming desisyon na huwag na munang magsalita. Sa paghihintay ninyo, maraming-maraming salamat po. Patuloy niyo po sanang subaybayan ang Party Pilipinas and I Heart You Pare.

"Sa mga bumabati na sana buntis ako, well, buntis nga ako. Maraming-maraming salamat."