Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla bago siya sumailalim sa Ulthera procedure na mismong si Dra. Vicki Belo ang nagsagawa sa Belo Clinic sa Medical Plaza Makati kahapon, May 11.
Siyempre pa, naitanong kay Zsa Zsa kung kinailangan ba niyang magpaalam sa partner niyang si Dolphy at sa mga anak nila para sa ia-undergo niyang bagong beauty procedure.
"Hindi na. Sinasabi lang nila minsan, 'You look younger!'" natatawang sabi ni Zsa Zsa.
Ano naman ang reaksyon ng Comedy King kapag nakikita nitong mas bumabata ang hitsura ni Zsa Zsa?
"Sasabihin niya, 'Ako nga, yung eyebags ko.' Yun ang palagi niyang drama.
"Sabi ko, I think it's kind of too late for you. Natatawa lang siya.
"Pinagtatawanan lang namin. Siyempre sa lalaki iba naman, di ba?
"Baka naman ma-shock na lang kayo isang araw na hindi na siya mukhang Dolphy, at mukha na siyang bagets na bagets.
"He's turning 83 na naman.
"Kumbaga, minahal na siya ng mga tao sa ganung hitsura niya."
DOLPHY'S HAPPINESS. Kumusta naman si Dolphy ngayon?
"He's good naman. He still tapes naman sa TV5.
"He loves to do that, yung Pidol's Wonderland. Happiness niya yun, e.
"Talagang, alam mo yun, ang showbiz parang nakakabata in a sense.
"Because you're surrounded by a lot of people na ang ganda-ganda ng energy, very positive yung energy, kaya nake-carry yun, e.





0

