Malaki ang pasasalamat ni Ogie Alcasid dahil nasa mabuting kalagayan na si Regine Velasquez kung ikumpara nung mga unang linggo ng pagbubuntis nito.
Pahayag ni Ogie; "Hindi ko naman ipinagkakaila na I was a little bit concerned na medyo may kaba ng konti.
"Siyempre Regine is not young. I was concerned about her health, kaya nagtagal kami bago kami umamin in public.
"Mas maganda kasi yung sigurado kami na okay siya. Kumbaga, sa wika natin, kumapit ang baby."
Nasa ikasampung linggo na raw ngayon ang baby sa sinapupunan ni Regine, and so far, okay na raw ang kalagayan nito.
"Well, the baby is doing well. You know, every day is always a blessing, 'ika nga."
Excited na rin daw siyang malaman ang gender ng baby, pero ngayon pa lang ay parang kinukondisyon na raw ni Regine na magiging baby boy ito.
"Kasi lagi niyang sinasabi, 'his' or 'he,' pero kung ano man ang ibibigay sa amin ng Diyos, magiging masaya na kami.
"Ang importante, safe si Regine at ang baby," patuloy nito.
Dahil sa kalagayan ni Regine, hindi na nga raw ito makakasama sa pagdalaw ni Ogie kina Michelle Van Eimeren at sa dalawang anak nila sa Australia nitong July, kung kelan school break nina Leila at Sarah.
"Nakakausap ko naman sila every other day. Ina-update ko rin naman sila.
"Nakikita naman nila si Regine sa Skype [free Internet call service].
"Nakikita nila na malaki na ang tiyan, at tuwang-tuwa naman ang mga anak ko.
"Kasi family kami, e, so nakakatuwa.
"Pareho silang brother ang gusto nila, kasi parang ayaw na nila ng kapatid na babae," natatawang kuwento ni Ogie.





0

