Aside from making an Asian tour, AJ Muhlach’s family plans a trip to Spain to meet with their relatives.

Photo: Noel Orsal

Maulan man ang simula ng summer season, hindi nito mapipigilan si AJ Muhlach na ma-enjoy ang kanyang bakasyon kasama ang pamilya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si AJ kamakailan sa set ng kanyang bagong show na Sunday Funday sa Splash Island, Biñan Laguna.

Nabanggit niya sa amin na may balak silang mag-tour ng kanyang pamilya sa iba’t ibang bansa sa Asya at sa Spain.

“Ang plan ko po this summer, siguro kung hindi pa ako magkaro’n ng taping… this summer, baka po kasi tumapat this summer, e. Siguro samantalahin ko na mag-beach, pero diet pa rin naman, iwas-iwas sa pagkain.

“Pero samantalahin ko na mag-beach, samantalahin ko na maggala-gala sa mall, then pag nag-start ng taping, siyempre focus muna po ako do’n.

“Tapos magtu-tour po kami ng family namin, magku-cruise kami sa Singapore, Hong Kong, Macau, gano’n po.

“Tapos pupunta po kaming Spain 'ata kasi may na-discover kami na may dalawa pala kaming kamag-anak do’n.

“Parang sila na lang ‘yong natitira, na-meet namin, e, pinapunta namin dito tapos kami naman ‘yong next na pupunta sa Spain.”

HIS FAVORITES. Siyempre, lahat tayo’y may paboritong gawin tuwing summer.

Kung ang iba’y mahilig na pumunta sa mga beach para mag-swimming, ang manatili naman sa bahay ang gustong gawin ni AJ.

Paliwanag niya, “Kasi mainit, e.

“Depende, ha, pero ‘yon nga siguro, mag-hang out lang, mag-Facebook siyempre para mag-update sa fans, mag-gym.

“Tapos parang gusto kong mag-photo shoot ng iba’t ibang peg ngayong summer kasi maraming time, e.”

Kung pagkain naman ang pag-uusapan, ang paborito talagang kainin ni AJ ay manggang hilaw.

“Sobrang paborito ko ngayon, as in, kumakain ako ng tatlong kilong mangga, kakainin ko ‘yon isang kainan lang basta may bagoong na masarap, ‘yong matamis na maanghang.