celeb

Mariel Rodriguez: from Russia with love... and fun!

by Rey Pumaloy posted on May 11, 2012  STATS: 26005 Views | 6 Comments

Mariel Rodriguez enjoyed her one-week vacation in Russia, where she watched the film Battleship, dubbed in Russian. "In-enjoy ko na lang," she says.

Photo By: Alquin Flores

Noong April 29 pa nakabalik ng bansa ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez  mula sa isang linggong bakasyon sa Russia.

Regalo ito ng handset na ini-endorso ng cellphone brand ng action star. 

Tuwang-tuwa naman si Mariel sa pagkukuwento ng mga nakita at naranasan sa mga lugar na pinuntahan nila, gaya ng Moscow at Petersburg.

“Ang yaman pala nila,” bungad ni Mariel nang kumustahin siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) tungkol sa pinakamalaking bansa sa mundo (6,592,800 sq.m. with largest mineral and energy resources, and forest reserves, according to wikipedia).

“Feeling ko, ini-imagine yung time na may reyna, may empress, may royalty.  Sabi ko, ‘Ay grabe! Naglakad sila dito sa lugar na ito.’ Ang saya-saya!”

Kasamang lumipad nina Robin ang dealers ng Cherry Mobile.

“Ang dami namin at ang saya! First time naming makapag-travel ng ganun. 

“Sabi nga ni Robin, gusto ko ring gawin ito sa pamilya ko. Alam mo naman si Robin, pagdating sa pamilya…”

May mga romantic moments naman kayo ni Robin?

“Ay, oo. Nakapag-date kami, nanood kami ng movie, nanood kami ng Battleship na wala akong naintindihan kasi Russian siya…

“Ang reaksiyon ko lang, ‘Ay maganda siya.’ In-enjoy ko na lang.”

“Yung romantic dinner… nakapag-romantic dinner ba kami?  

“Nanood lang kami ng movie.  Hindi ko matandaan kasi everyday, kasama kami sa tour.  Pero pagdating namin sa hotel, kakain ulit kami ng cheese or kakain uli kami sa hotel bago matulog.  So, yun ang pinaka-bonding namin.

“Hindi naman ako tumaba sa kakakain kasi super lakad naman kami, super walk to death kami kaya okey lang”

Ano naman ang impression niyo sa mga Russians?

1  2  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

6 Comments

  • dalagitaako

    05/20/2012 | 05:48 PM
    ay mag reseach ka muna ija,mga babae q sa club rusian...kng mayaman cla d sila po punta ng japan para mag hostess...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merijanu

    05/16/2012 | 11:46 PM
    Russia mayaman??? Halerrr!!! Naku sana Mariel Nag research kang mabuti...D2 sa cyprus ang mga Russian sa bars nag wowork kc sobra hirap dw sa kanila. As in mga dancers cla
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • anepau1324

    05/15/2012 | 04:44 PM
    o eto may pang 4th na comment na. hahaha.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Babylove2

    05/14/2012 | 04:01 PM
    Ha ha ha ang Russian mayaman?Kung alam mo lang mariel ang katotohanan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • cherish8888

    05/14/2012 | 12:34 PM
    Feeling ko maganda nga sa Russia..at nag enjoy talaga sina Robin Mariel!! And take note generous naman ng Cherry Mobile.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2psinapod

    05/12/2012 | 05:48 AM
    No comment. Ayan, may isang poster na. Hindi na mukhang kawawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About