Angelu de Leon has similar experience with Jennylyn Mercado who had a child at the peak of their career. But Angelu compares the difference: “Naku, kaya nga sabi ko, babantayan ko huwag dumoble. Pero mukhang mas mabait. At saka, parang mas okay siyang mamili ng lalaki.”

Photo: Noel Orsal

Muling nagbabalik sa pag-arte si Angelu de Leon sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-Iisa pagkatapos niyang magsilang sa kanyang ikatlong anak.

Four months na si Rafa, ang anak nila ng kanyang asawa na si Lorenzo "Wowie" Rivera.

Ayon kay Angelu, “Sobra naman akong thankful. Actually, ano na ‘to, e, medyo prolonged.

“Matagal nang meron, pero sabi ko nga, because I’m breastfeeding.”

Matagal na pala sa kanya ang four months since giving birth?

“Oo, doon ko na-realize na matagal na pala ang four months!" natatawang sabi ni Angelu.

“Bukod sa nakikita mo sa finances mo na, ‘Oh, my God! Calamity funds lang ito, walang pumapasok!’

“Pero nami-miss ng katawan mo and because I’m really... sabi ko nga, medyo naka-focus ako sa motherhood na mag-breastfeed.

“So, three months akong nag-breastfeed.”


CHILD REARING. Ang dalawa niyang anak na sina Nicole at Louise ay hindi raw siya masyadong nakapag-breastfeed, hindi 'tulad ni Rafa na full three months breastfeeding ang ginawa niya.

Aminado naman si Angelu na ibang-iba ngayon ang pakiramdam at ginagawa niya bilang mommy sa ikatlong anak.

Una siyempre, may mister na siyang katuwang.

“Ibang-iba. Ni hindi ko in-imagine na magiging ganito siya.

"Kahit noon, kasi siguro hindi ko na nga in-imagine na ikakasal ako.

“So, yung expectation ko bilang kung sino ang mapapangasawa ko, walang ganoon.

“At kung meron man, nasobrahan, na-exceed-an. Hindi na ako yung nagpumilit, e. Hindi na ako.”