Excited na si Kris Lawrence sa nalalapit na panganganak ng kanyang girlfriend na si Katrina Halili. Kuwento ng singer, kinakantahan niya ang anak nila ni Katrina kahit nasa sinapupunan pa lamang ito. Katuwiran niya, “Para ma-recognize niya yung boses ko paglabas niya. Kung minsan nga, ramdam yung pagsipa-sipa niya.”

Photo: Noel Orsal

Noong September 1, Sabado, ay nagdiwang ang singer na si Kris Lawrence ng kanyang 30th birthday.

Pero nagdesisyon siya na isabay na ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa baby shower para sa magiging anak nila ni Katrina Halili.

Ginawa ito noong Biyernes, August 31, sa bahay ni Katrina sa Quezon City.

Kuwento ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “It was fun. Ando’n ang ilang friends namin.

"Ang daming gifts. Natuwa kami kasi ang daming gifts para sa baby.

“Lahat ng ibinigay na gifts, pang-newborn baby, except yung… nakatanggap kami ng dalawang car seat.”

Nakausap ng PEP si Kris sa backstage ng Party Pilipinas noong Linggo, September 2.

Kabilang daw sa mga kaibigan nilang celebrities na dumalo sa party ay sina Aljur Abrenica, Jay-R, Denise Laurel, Rafael Rosell, Billy Crawford, at Nikki Gil.

Hindi nakarating si Marian Rivera dahil may commitment ito. Pero tiniyak ni Kris na isa raw ang aktres sa magiging ninang ng baby nila ni Katrina.



BIRTH DATE. Sa September 17 ang inaasahang petsa ng panganganak ni Katrina sa St. Luke’s Hospital, na malapit lang sa bahay ng sexy actress.

Ayon sa ultrasound, babae ang isisilang na sanggol ni Katrina.

Kuwento ni Kris, “Ready na yung emergency bag. Kasi she’s due anytime na, we’re just waiting.”

Kumusta na ba si Katrina ngayon?

“She’s good! She’s good.

“Actually, ngayon lang siya napapagod.

"During the whole time of her pregnancy, parang okey lang sa kanya.