TJ Trinidad on why he kept his wedding to Marga Valdes a secret: "Marga and I are very private individuals, so with such an occasion like that, we just wanted to keep it intimate and share it with select friends and family. 'Tsaka I also believe that, you know, actors are more effective and convincing the less people know about their private lives."

Photo: Noel Orsal / Showbiz Central

Halos isang taon na ang nakararaan nang tanungin ang Kapuso leading man na si TJ Trinidad tungkol sa engagement niya sa kanyang girlfriend of five years na si Margarita "Marga" Valdes.

Ngunit iwas ito sa pagsasalita rito.

Kaya't marami ang nagulat sa balitang ikinasal na pala ang aktor kay Marga sa isang simple at pribadong seremonya sa Tagaytay residence ng mga Valdes noong December 28, 2011.

Kilalang malihim si TJ, ngunit live na nagpa-interview ang aktor sa Showbiz Central kahapon, January 29.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay inilahad ng aktor ang tungkol sa istorya ng kanilang pagmamahalan ni Marga, at kung bakit sa wakas ay handa na siyang mabuhay sa piling ng babaeng nakapagpabago sa kanyang buhay.

KEEPING IT A SECRET. Unang tinanong ng Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez kay TJ ay kung bakit isinekreto nila ang kasal?

Paliwanag ng aktor, "Marga and I are very private individuals, so with such an occasion like that, we just wanted to keep it intimate and share it with select friends and family.

"'Tsaka I also believe that, you know, actors are more effective and convincing the less people know about their private lives.

"And I wanna thank my fans also for supporting me all through the years, for understanding and knowing all these."

Sino sa mga taga-showbiz ang nandun sa kanilang kasal, since pili lang talaga ang imbitado at nasa guest list?

"Well, the Gutierrez clan, but you guys were in the States.

"I invited Ogie [Alcasid] and Regine [Velasquez], but of course hindi rin sila nakarating because kakapanganak lang ni Regine.

"And yun lang, yun lang."

Ang manager ni TJ ay si Annabelle Rama, na ina ni Raymond.

Nakasama naman ni TJ si Regine sa dating primetime series ng GMA-7 na Diva.