celeb

Carla Abellana and Geoff Eigenmann now in Las Vegas to get some R&R—not to get hitched

by Rose Garcia posted on September 20, 2012  STATS: 1032 Views | 7 Comments


Itinuturing ni Carla Abellana na isang pangarap niyang natupad ang pagbabakasyon nila sa Las Vegas ngayon ng kasintahang si Geoff Eigenmann.

Photo By: Carla Abellana's Instagram

Kapag ang dalawang artista na may relasyon ay nagpupunta ng Las Vegas, U.S.A., madalas ay naiintriga na malamang nagpakasal na ang mga ito.

Ang Kapuso stars at magkasintahang sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana ay kasalukuyang nasa Las Vegas.

Pero bago isipin pa ng iba ang kung anupaman, hindi nila itinago sa publiko ang pagsasama at pagbabakasyon nilang ito.

Katunayan, kahapon, August 31, nag-post si Carla sa kanyang Instagram account ng dalawang larawan na kuha nila ni Geoff mula sa Las Vegas.

Sa unang picture, may nakalagay sa caption si Carla na, “Out of my bucket list Smile

Ibig sabihin ni Carla, ang pangarap niyang makapagbakasyon sila ni Geoff sa Las Vegas ay natupad na.

Ang "bucket list" ay ang listahan ng mga tao na, sa salitang Ingles, ay about to hit the bucket. Ibig sabihin, malapit nang pumanaw. Ginawa pang pelikula nina Morgan Freeman at Jack Nicholson ang The Bucket List.



SECOND YEAR ANNIVERSARY. Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na noong August 21 pa umalis ng Pilipinas si Geoff papuntang Las Vegas para i-renew ang kanyang green card.

Dinalaw rin ni Geoff ang nakababatang kapatid na si AJ Eigenmann, na sa Las Vegas nakatira at nagtapos ng kursong Veterinary Medicine.

Si Carla naman ay tinapos pa ang taping ng primetime series na Makapiling Kang Muli, kaya nitong August 28 lamang nakasunod kay Geoff sa Las Vegas.

Sa Amerika na rin ise-celebrate nina Geoff at Carla ang kanilang second anniversary bilang magkasintahan sa Linggo, September 2.

Nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan nang ipareha sila sa Pinoy remake ng Mexican novela na Rosalinda noong 2009.

Makalipas ang isang taon ay naging sila na.

Pagkatapos ng pagtatambal nila sa Rosalinda, nasundan pa ito ng mga sumusunod na programa: The Last Prince, Basahang Ginto, at ang pinakahuli ay ang Magic Palayok.

Pansamantala silang pinaghiwalay onscreen at ipinareha sa iba. Pero off-cam ay nanatili ang kanilang magandang samahan.

Sa September 8 nakatakdang umuwi ng Pilipinas sina Geoff at Carla.

1  

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

7 Comments

  • tatoyadik

    09/02/2012 | 02:48 PM
    sobrang bagay...ang sweet...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ehemm

    09/02/2012 | 08:06 AM
    4, why get married if maghihiwalay lang din lol.... sweet nila. let them enjoy each other and whatever it is they share. kilig naman ako lols...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • randylove

    09/02/2012 | 04:06 AM
    I like these two. parehong disente.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ike

    09/01/2012 | 08:10 AM
    Pakasal na kayo sa Las Vegas para pag ayaw na ninyo sa isat isa madali na ang paghihiwalay.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kungfushoes

    09/01/2012 | 05:58 AM
    awww! super cute naman ng dalawa. happy for them sana sila na talaga. muka silang down-to-earth, disente kumilos, they value their privacy pero di nahihiyang magpakita ng affection paminsan-minsan. goodluck sa inyo :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lanalang08

    09/01/2012 | 05:52 AM
    wow narito pala sila sa Vegas. sana makita ko sila maliit lang naman ang las vegas strip kaya puwede mo silang makita if ever. kaya lang so far ay medyo mainit dito kaya medyo sa gabi magandang mamasyal at baka doon mo sila makita. welcome to vegas and hope you both are enjoying your stay.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    09/01/2012 | 02:22 AM
    Oi sosyal. Mas bongga pa kesa kina Rhian sa Singapore, MR naman sa Hongkong.. .
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About