Excited na raw magsilang ang aktres na si Katrina Halili sa baby nila ng singer na si Kris Lawrence. Sabi ni Katrina: “Siyempre po, kasi bagong challenge sa akin. Saka first time kong magkakaroon ng baby.  Saka naiinggit po kasi ako sa iba na may mga baby. Kasi cute, di ba? Mahilig po ako sa mga babies. Tapos, gusto ko na rin kasi hirap na rin ako. Hirap na rin talaga ako."

Photo: Gorgy Rula

Anumang araw ngayong linggong ito ay manganganak na ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa anak nila ng boyfriend niyang si Kris Lawrence.

Babae ang isisilang na sanggol ni Katrina.

Noong nakaraang linggo ay dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa bahay nito sa may Quezon City.  

Noong araw na iyon ay may baby shower party na inihanda para sa kanya ang ilang malalapit niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Mas maraming bisitang non-showbiz si Katrina, kabilang na ang make-up artist at fashion stylist niya. Pero naabutan ng PEP doon sina Ynna Asistio, Jay Aquitania, IC Mendoza, at ang manager ni Katrina na si Omar Sortijas.

Umaapaw ang pagkain sa loob ng bahay ni Katrina.

Sabi ng aktres, hindi na siya nagluto dahil nagdala na ng kung anu-anong pagkain ang mga kaibigan niya.


NORMAL DELIVERY. Dahil kabuwanan na niya ay malaki na ang tiyan ng aktres. Tumaba rin siya ng konti, pero mababanaag sa kanyang mukha ang kasiyahan.

Ano ang nararamdaman niya ngayong malapit na siyang manganak?

Sabi ni Katrina, “Kinakabahan rin, pero hindi ko pa masyadong iniisip. Siguro po pag nandoon na.

“Saka, nandito naman lahat ng family ko.  

“Malapit lang naman yung hospital. So, anytime, madali lang akong maitatakbo pag ramdam ko nang manganganak na ako.”

Nakatakdang manganak si Katrina sa St. Luke’s Hospital sa E. Rodriguez Sr., Quezon City.

Gusto niya na normal delivery ang paraan ng panganganak niya.

“Noong una po, sinabi ko sa doctor ko na hindi ako magpapalagay ng pampamanhid [anaesthesia] habang nagle-labor ako.