Dawn Zulueta says she and Richard Gomez have remained friends even after their relationship ended. She's also good friends with Richard's wife, Lucy Torres. "Ang maganda kasi sa amin ni Richard, the same with his wife, Lucy, we're good friends. Nagte-text-an kami. Lucy has always been the sweet, sweet girl." Photo: File photo

 

Kasama ang aktres na si Dawn Zulueta sa pelikulang Magkaibigan na official entry rin for the coming Metro Manila Film Festival. Dahil sinasabing hango ito sa kuwento ng magkakaibigang Jinggoy Estrada at Rudy Fernandez, hindi maiiwasang nagiging saksi raw si Dawn sa mga anecdotes on Daboy while doing the film.

 

Ilan nga yun sa mga ipinahayag ni Dawn sa Startalk kahapon, December 6.

 

Aniya, "Some are funny. Mga anecdotes nila, sila-sila mismong mga magbabarkada. Some also are thought-provoking or sad. Katulad ni Senator Jinggoy kapag ikinuwento niya yung mga last few days ni Kuya Daboy. Lalo na noong sinu-shoot namin ang mga eksena like yung dying scenes which was all done in one day. Malungkot lahat at talagang everyone was crying.

 

"We were just trying to laugh na lang," aniya.

 

May ilang pagkakataon na dumadalaw rin daw sa set si Lorna Tolentino.

 

"Oo, bumibisita siya, pero, hindi kami nakakapagkuwentuhan kasi I'm always working. Mabilis kasi ang pacing namin sa set."

 

UNEXPECTED PREGNANCY. Dahil sa sobrang busy raw niya, maging ang pagkakaroon na pala ng kapatid ni Jacobo (anak nila ng businessman na si Anton Lagdameo) ay hindi halos namalayan ni Dawn. Hindi raw niya namalayan na nagdadalangtao na pala siya.

 

Eksaktong limang linggo na nga raw buntis si Dawn at magkahalong tuwa at gulat daw ang naramdaman niya when she found out.

 

"I'm really thrilled, so is Anton, kasi hindi talaga namin inaasahan. Hindi pa nga kami actually nagta-try," natawa niyang sabi. "Next year pa sana kami magta-try. Nakakatawa that God is so good."

 

"We always thought that it would be long. Pero sa home pregnancy [test] pa lang, nakita ko na positive. So, he was very happy. Noong sinabi ko nga kay Anton, ang sagot niya agad, ‘Sinabi ko na nga ba naglilihi ka!'

 

"Sabi ko, paano mo naman nalaman? Yun daw pala, kung anu-ano na ang kinakain ko at napansin pala niya. Kung anu-ano raw ang nire-request kong pagkain."

 

Ayon kay Dawn, hindi naman daw kasi siya talaga malakas kumain.

 

"I'm very disciplined with the way I eat. I mean, titikim ako paminsan-minsan ng tsitsarong bulaklak, pero, hindi ko kakainin yung nasa buong plato!"

 

Sa ngayon, bawal pa raw ang mga stressful activities for Dawn tulad ng pagkarga kay Jacobo dala na rin ng edad ni Dawn. When asked kung ano ang gusto niyang kasarian ng kanilang second baby:

 

"Sana babae na kasi hindi ko na alam kung kakayanin ko ulit the third time, di ba?  Pero ang hinihiling ni Jacobo, baby brother. So, sabi ko, ‘It's up to Papa Jesus. Papa Jesus will decide what he wants to give us.'"

 

Dugtong pa niya, "Everytime kami na nasa church at pagkatapos, nakikita niya yung crucifix, sasabihin niya sa akin, ‘Mama, look, Papa Jesus!' And he will say, ‘I'll pray for a baby brother.' So, I'll say, ‘Okay, you pray but you know, if we have a baby sister, you still have to love her.' ‘Tapos sasabihin niya, ‘No, I want a baby brother,'" masayang kuwento pa ni Dawn.

 

"Pero siyempre, I'm really looking forward to this kasi, I'll be due next year, end of July."

 

GIVING RICHARD A TECHNIQUE. Samantala, nakausap din ng Startalk si Richard Gomez at masaya raw ito para sa dating girlfriend na ngayon ay magkakaroon na ng second baby.

 

"I'm very happy for Dawn," pahayag nga ni Goma. "As a matter of fact, ang unang nagbalita sa akin noon ay si Lucy. Narinig daw niya sa friend niya."

 

Si Lucy pa rin daw ang isa sa nag-e-encourage na sana nga raw ay gumawa silang muli ng pelikula ni Dawn. Pero ayon kay Richard, baka matagalan pa raw ito.

 

"It may take a while lalo na ngayong buntis ulit si Dawn."

 

Nakangiti ring ikinuwento ni Richard na may sinasabi raw si Dawn sa kanya na i-try niyang technique para masundan din nilang muli ni Lucy si Julianna.

 

Sinang-ayunan naman ito ni Dawn sa pagsasabing okey raw kasi ang nabuong friendship sa kanila ni Richard.

 

"Ang maganda kasi sa amin ni Richard, the same with his wife, Lucy, we're good friends. Nagte-text-an kami. Lucy has always been the sweet, sweet girl."

 

DAWN'S OWN STAR. Ipinakita rin sa Startalk ang pagbibigay ng parangal kay Dawn bilang isa sa mga artista sa Walk of  Fame sa Eastwood City noong Lunes, December 1.

 

Ani Dawn, "The fact na naisali ako ni Kuya Germs [German Moreno] sa grupo nila, I'm really, really honored. Ang pinakamaganda niyan, hindi ko mararating ang narating ko kung hindi dahil kay Kuya Germs. Actually, siya rin ang nagbigay sa akin ng break."