Nag-guest ang comedienne na si Pokwang sa talk show na Juicy ng TV5 kahapon, January 6.
Tinanong siya ng host nito na si Alex Gonzaga kung nahirapan ba siyang makapasok sa showbiz. Bago kasi naging artista si Pokwang ay nagsimula muna siya bilang isang stand-up comedian sa Music Box, isang sing-along bar sa Quezon City na nagsara na.
"Gaya ng sinabi ko noon, hindi ko naman talaga pinangarap na pumasok sa showbiz. Gusto ko lang maging isang TV dancer. Pero ibinigay ito ni Lord kaya dito ako napunta sa showbiz," sabi ni Pokwang.
Sinundan ng tanong ni Alex kung nahirapan bang makapag-adjust sa showbiz si Pokwang.
"Nung una, oo," sagot niya. "Pero nung naisip ko, ‘Ay, enjoy mo na lang, ang saya pala!' Kumikita ka na, nag-i-enjoy ka pa."
Anong sabi ng friends o ng family niya nang sumikat na siya?
"Tuwang-tuwa sila, siyempre. Nung una bigyan ko lang sila ng face towel na regalo, tuwang-tuwa na sila. Pero ngayon kelangan talaga mamahalin, yung mga signature na. Demanding na sila ngayon!" tawa ni Pokwang
Kuwento pa ni Pokwang kay Alex, marami na raw siyang benefits na nakukuha mula nang maging isa siyang artista.
"Dati pag pumipila ako ng mahabang pila, like sa airport, sinisigawan ka pa, ‘I said, pumila ka nang maayos!' Pero ngayon, ‘Ay, si Ma'am Pokwang, ba't hindi pa kayo nakakaalis?' Pero hindi naman ako abusadong tao. Sumusunod ako sa rules. Pag kailangang pumila, pumipila talaga ako."
May dose anyos na anak na babae si Pokwang mula sa isang Hapon. Marami nang intriga na na-encounter si Pokwang mula nang pasukin niya ang showbiz. Kaya tanong ni Alex kung naapektuhan na ba ng intriga ang anak ni Pokwang
"Depende sa intriga," sabi niya. "Pero ang talagang naapektuhan siya, yung nalaman niya na may naka-one night stand daw ako na isang bading. Nagpa-picture lang naman siya sa akin, hindi ko naman siya kilala, tapos sasabihin niya, may nangyari sa amin!
"Minor lang naman yun kung tutuusin, pero dun talaga naapektuhan yung bata. Anyway, tapos na naman yung isyu na yun, inaano ko lang,"
In-explain naman daw ni Pokwang sa anak na hindi siya ganung klase ng babae na nakikipag-one night stand.
"Kinakausap ko naman yung bata nang masinsinan, nang seryoso. Naiintindihan naman niya ako. In-explain ko, ‘Anak, hindi ako makikipag-one night stand. Unang-una, pag gabi, tulog ako!" tawa ulit ni Pokwang.
Paano ang bonding time nila ng kanyang anak?







hehehe... nagmamakaawa na wag i-erase ng moderator ang comment niyo, e try niyo kayang wag all CAPS ang gamitin.... hehehe
feeling ko rin yayabang din xa. kasi may nabasa ako noon dito sa pep na nagalit daw si pokwang sa isang reporter sa cebu dahil tinanong xa about patani. so what kung tanungin about patani di ba? nagalit xa dahil si patani LANG yun. eh sino bang gusto niyang itanong sa kanya? si KC? si megastar? si anne curtis? parang nayabangan ako dun talaga.
VIVA POKWANG...
love ka namin...
GO POKIE!!! MUKHA KA NGANG ASWANG PERO LOVE KA NAMIN!!!
kayod kalabaw din sila. tamaan sana ng kidlat yung tmawag na aswang sya. gawaing isip bata.halatang inggit.
simplejes
January 7, 2009
14:08 PM I like her pero aminado ako she looks like aswang talaga, keep up the good work...
......
hindi pa me nakakita ng aswang ...pero kng nakakita kana at sabi mo nga mukha talaga syang aswang...abay! ang dami palang aswang sa paligid
heheehehehh
dami mo namang mga shows at special appearances ni pokwang, at petite naman, baka puwede ng maging fashionista sya anoh! afterall, yung bang kasalukuyang pananamit ngayon ni pokwang ang GUSTOng pasundan niya sa manonood ng wowowee?!
I like pokwang, galing magpatawa. lalo na nung magkasama sila ni chokoleit sa wowowee last week.
lalo na un mga costume na nakakalokah pro bagay sknia,
siguro bilang anak..yon nman tlga pnakamasakit na maririnig natin about sa nanay ntin,
para kasing kabastusan na yon..
kya siguro naapek2han un anak nia,
nakakagaga nman tlga ma inluv kaya mahirap mainluv..lalo na sa gagong lalaki hehehe
manggagamit talaga si papie!