Parehong visible sa Kapuso network ang dating magkarelasyon na sina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado, pero kahit papano ay hindi pa rin sila nagkukrus ng landas. Hindi pa sila nagkakausap at nagkikita simula nang magkaroon ng malaking hidwaan sa pagitan nila, at kahit halos isang taon na ang anak nilang si Alex Jazz or AJ, hindi pa rin ito nasisilayan ni Patrick.
Patuloy lang ang takbo ng buhay ng dalawa na busy sa kani-kanyang career.
Si Jennylyn ay featured sa cover ng FHM magazine ngayong November habang si Patrick naman ay kasama sa bagong series ng GMA-7 na Fullhaus.
Ayon kay Jennylyn, iisa lang daw ang mensahe niya sa pagpo-pose nang sexy sa FHM: "Kahit na mommy ka na, hindi naman ibig sabihin na papabayaan mo na ang katawan mo. Kailangan, di ba, palagi kang fresh, palagi kang maganda, maganda ang skin, yung katawan mo slim. O kahit hindi masyadong payat, kailangan fit ka, di ba?"
Loveless raw si Jennylyn, pero wala raw masama kung mag-date man siya. "Single naman ako. Open ako. Pero, wala pa naman."
CHILD'S LAST NAME. Bukod sa trabaho, priority raw ni Jennylyn ang pag-aasikaso kay Alex Jazz. Pero handa na ba siyang ipakilala ang anak sa ama?
"Darating din naman ang time na yun, pero, ayoko nang isipin. Pinaghahandaan ko naman yun."
Napag-isipan na raw niya na mas gusto niyang ipagamit sa anak ang apelyido ng kung sinumang lalaking pakakasalan niya at hindi ang "Garcia."
"I'm sure darating din yung time na maghahanap si AJ ng father figure. Sasabihin ko ang totoo. Walang reason para magsinungaling."
What if makasalubong nilang mag-ina si Patrick?
"Ano, I'll say... 'Anak, say hi na lang,'" at saka tumawa siya.
PATRICK REMAINS OPTIMISTIC. Positive naman si Patrick na isang araw, makikita rin niya nang personal ang anak.
"I'm optimistic that one day, mari-realize niya na it's not about both of us anymore, it's about our son. I may have failed so many things in my life, pero, in being a father, at least, give me a chance to be a father."
May binili raw siyang birthday gift para sa anak.
"Actually, meron ako sa bahay for him. Pero I'll just give it na lang once na maging okey na. Siguro isipin na lang niya ang anak namin na one day, baka makilala ko rin."







u dont deserve to be a dad!
ang susunod nyan, tatanggap ng commercial for sa bata para kumita.
kawawang bata.
Anong sinasabi ninyong kalimutan. Kaya maraming abusadong tao. Imbedded na rin kasi sa culture ng mga pinoy ang madaling makalimot sa kasalanan ng kapwa.
Pag ganyan na itinanggi na ng angkan nasa tiyan pa lang, ibig sabihin noon pinatay na nila ang bata, hindi pa napapanganak. Buti nga hindi lang pagpapagamit ng apelyido ang na-broadcast ng nanay ng bata. Dapat sinabi na lang niya sa bata na patay na ang angkan ng tatay niya lalo na ang ama at lola niya.
Kayo kase makapagsalita lang. Trying to lighten yong kasalanan ng angkan ni PG.
Naku Patrick iho, tandaan mo.. may tinatawag tayong Karma.. baka mamaya pag tanda mo, sa Home for the Aged ka na lang dadalhin ng mga anak mo dahil sa ginawa mo kay Jen..
Para sa akin nasa side ako ni Jen.
Tama si no. 90 and no. 91, pagmumukha palang ni BING nakakairita na, tapos Walang balls si Patrick, Eh yung apo kaya nya kay Cheska Garcia, anak nga ba talaga yun nung asawa nya ngayon. Hindi nyo masisisi si Jen kung bkit nagraraket sya tulad ng FHM, eh sya lang inaasahan sa family, at least marangal pamumuhay nya at hindi nya tinatalikuran responsibilidad. Si Patrick naman, naku iho marmaing paraan para makita mo anak mo, bkit hindi mo subukan pumunta kina Jen, or kung ayaw kang papasukin maglatag ka ng banig sa gate nila at magbaon ka na rin ng pagkain at payong, ewan ko lang kun hindi ka papasukin. TAKOT KASE SA NANAY, ANG NANAY DICTATES HER.
Kung ako kay jen pag-laki ng bata sabihin nyang dinenay sya ng tatay nya at ng mga angkan nito.