"Normal kami, na kung paano rin ang pagiging normal ng ibang pamilya. Hindi porke senator ang father-in-law ko, may pagkakaiba yun. Wala naman. May time kami together. Iniisip lang ng iba na kapag political family, magulo, pero hindi. Balanse ang lahat," says Jodi Sta. Maria-Lacson.
Jodi Sta. Maria says her family remains normal despite being the daughter-in-law of a senator
Tuesday, January 5, 2010
05:08 PM
Rating
Ang tunay na mahuhusay na artista, kailanman ay hindi mawawala. Isa na siguro sa pasok sa ligang ito si Jodi Sta. Maria.
Kasama si Jodi sa powerhouse cast ng bagong ABS-CBN teleserye na Tanging Yaman, na tumatalakay sa isang pamilya na may mataas na posisyon sa gobyerno. Tipong may kaugnayan sa tunay na buhay ni Jodi ang partisipasyon niya sa naturang serye, being married to Pampi Lacson, son of Senator Panfilo Lacson. Kumbaga, ang involvement ni Jodi sa mga Lacson ay naghahantad din sa kanya kung paano ang isang pamilya'y puwedeng maapektuhan ng pulitika.
Siya si Marina Dimaguiba sa Tanging Yaman, mula sa masang mag-anak na kinabibilangan ng kapatid niyang si Fina (Erich Gonzales) at asawang si Apol (Nonie Buencamino).
"May presidente, may mga senador... tungkol sa buhay sa Malacañang. Pero ang core of the story nito, tungkol pa rin sa pamilya. May factors lang na pulitika. At hindi naman nakaka-affect dito ng pagiging daughter-in-law ko sa tunay na buhay ng isang senator.
"With regards to my dad [in-law], mahirap magsalita about his plans. Hindi kasi yun basta nasasabi lang sa amin. It's his own thing, kumbaga. I'm in no position naman yata para magsalita kung anu-ano ang plans niya," sabi ni Jodi.
Kung ang husband naman niya ang tatanungin, wala raw siyang alam kung may political ambitions din ito.
"Mas focused si Pampi sa negosyo," sabi ni Jodi. "At saka sa family rin. May mga taong nag-uudyok din sa kanya para mag-run, pero hindi nakukuha sa biglaan ang ganyang mga desisyon. Dapat, handa siya sa lahat."
May kaibahan ba sa ibang normal na pamilya ang kinabibilangang pamilya naman ni Jodi?
"Normal kami, na kung paano rin ang pagiging normal ng ibang pamilya. Hindi porke senator ang father-in-law ko, may pagkakaiba yun. Wala naman. May time kami together. Iniisip lang ng iba na kapag political family, magulo, pero hindi. Balanse ang lahat. My father-in-law naman is not the type na kung ano ang problema sa trabaho, dinadala sa pamilya. Pag nasa bahay siya, ama siya ng mga anak niya, lolo siya ng mga apo niya," saad ni Jodi.
Nakausap ng PEP si Jodi sa presscon ng Tanging Yaman kagabi, January 4, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.
LOYAL KAPAMILYA. Isa si Jodi sa homegrown talents ng ABS-CBN na nananatiling loyal sa Kapamilya network. Bakit kaya?
"It's because ABS-CBN has always been good to me," sagot niya. "Kaya nga after more than nine years in the business, naririto pa rin ako. Wala akong rason para iwan ang Dos.
"Happy ako sa projects ko dito. Magaganda ang roles na ibinibigay nila sa akin. Pero never akong humiling sa kanila kung anong klaseng role o project ang gusto ko. Kasi kapag nagtatanong naman sila kung ano ang gusto kong role, hindi ko rin masabi o matiyak kung ano yun. Ang nangyayari, kapag may role na ganyan, inalok sa akin, ninanamnam ko, pinagbubutihan ko. Ginagampanan ko sa abot ng aking makakaya," sabi ni Jodi.
Nagmula sa youth-oriented drama series na Tabing-Ilog noon si Jodi, at ang kapansin-pansin, karamihan ng mga nanggaling dito ay active pa rin sa showbiz. Nariyan sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Baron Geisler, Patrick Garcia, Paolo Contis, at Desiree del Valle.
"It's one thing we can be proud of," nakangiting sabi ni Jodi. "Maganda ang training namin sa soap na yun. Happy kami dahil yung direktor namin doon, si Malu Sevilla, na-handle kami nang tama. Nai-guide kami kaya marami sa amin, minahal talaga ang industriyang ito, at dito na kami magsisitanda.
"Si Direk Malu ang nagpalaki sa amin, ang naging mentor namin. Sa kanya namin natutunan ang importance ng professionalism at pagpapahalaga sa trabaho. Nakatulong din siyempre yung pagha-handle sa amin ng mga sumunod naming directors."
- Jodi Sta. Maria plans to study Biology as her pre-med course
- Jodi Sta. Maria chooses to keep silent after husband Pampi Lacson's revelation that their marriage is on the rocks
- Jodi Sta. Maria does shocking scene for Chassis ; recalls chance meeting with Hollywood actor Willem Dafoe
- Jodi Sta. Maria and friends hold fundraising event for Angelika dela Cruz's ailing brother
- Jodi Sta. Maria wants son Thirdy to finish school first before joining showbiz
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More Articles
- Priscilla Meirelles reveals how pregnancy made her world "turn 360 degrees"
- Regine Velasquez and Ogie Alcasid introduce son Nathan to the media; Songbird reveals experiencing post-partum blues
- Sharon Cuneta reveals Frankie and Miel's interests; happily announces that Miguel is now "legally a Pangilinan"
- Jake Cuenca: On His Way to the Top
- Regine Velasquez shares bonding moment with baby Nate on Twitter
- LJ Reyes talks about her new role as a young mother
-
Society Watch
Divine Lee supports gender equality and gay rights.
-
Big Shot
Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
Anne will bring Annebisyosa to different countries in the next few months.
-
In Focus
John Lloyd Cruz chooses to keep silent about Shaina Magdayao
John Lloyd: "I am indeed better than ever."
-
The Pulse
What PEPsters will watch daily during noontime...
Hosts of both Eat...Bulaga! and It's Showtime! believe that having the same timeslot is a healthy competition.
Most Popular
- Anne Curtis: "I can't believe nag-concert ako!"
- PEP EXCLUSIVE: John Wayne Sace on being pasaway: "Burado na sa isipin ko yun..."
- PART 1. Heart Evangelista on marriage plans with boyfriend Daniel Matsunaga: "Sinabi na rin nga niya sa akin na he wants to marry me."
- Dimples Romana's fuss-free beauty regimen
- Alice Dixson denies separation rumors anew
- Alice Dixson admits husband Ronnie Miranda got affected by separation rumor
- David Archuleta to perform at Pyropalooza event
- Heart Evangelista says she's ready to work with Marian Rivera: "Professional lang tayo. Nasabi ko na yung mga gusto kong sabihin and that was it."
- Claudine Barretto "loses" account balance at a bank; money mysteriously disappears as she's about to withdraw it
- Alice Dixson on working with Marian Rivera: "Magaan siyang katrabaho."
Advertisement

